Suspensyon ‘di kinagat ng Palasyo KITA SA E-SABONG MAS MATIMBANG

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panawagan na suspendihin ang operasyon ng online sabong.

Tinukoy ng Pangulo ang pangangailangan ng gobyerno sa bilyong pisong revenue na makukuha sa operasyon ng e-sabong sa gitna ng problema sa ekonomiya na dala ng pandemya at tumataas na presyo ng langis.

Sinabi ng Chief Executive sa kanyang Talk to the People na naging interesado siya sa e-sabong nang mapilitan ang pamahalaan na maghanap ng ibang mapagkukuhanan ng revenue o kita.

“I hate gambling. Noon, wala pa tayong masyadong problema sa pera, di talaga ako pumayag. Then came a time when events happen and again konektado ito sa oil because the pandemic and everything, kailangan ko mag-look ng sources,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Ang interest lang talaga ng gobyerno nito is yung pera. That is all there is to it, actually,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, ang e-gambling ay dapat na “regulated.”

“Ang yayaman nito, nakikinabang ang gobyerno, pero ang yayaman nito yung mga operators. That is why there is need for a regulator on this particular game,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang atas na ito ay direktang babagsak sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Aniya ang negative developments sa e-sabong ay marapat lamang na timbangin kontra epekto sa ekonomiya ng panukalang suspensyon.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) at PAGCOR na imbestigahan ang pagkawala ng 30 sabungero at posibleng paglabag ng mga operator.

“PAGCOR earned nearly P3.7 billion from April to December 2021 from e-sabong and another P1.4 billion so far this year,” ayon kay gaming regulator chief Andrea Domingo.

“Sa aming projection, aabot sa P7.2 billion hanggang P8 billion ang magiging koleksyon sa e-sabong ngayong taon na ‘to,” dagdag na pahayag ni Domingo. (CHRISTIAN DALE)

105

Related posts

Leave a Comment