8-ORAS NA DUTY NG MGA PULIS SUPORTADO NG NAPOLCOM

SUPORTADO ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pangunguna ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Commissioner Atty. Rafael Calinisan, ang planong pagpapatupad ng 8 hours working shift para sa mga pulis, base sa nais na ipatupad ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Nicolas Torre III nang ito ay manungkulan bilang bagong punong mayor ng pambansang pulisya.

Sa katunayan, ayon sa NAPOLCOM, noon pa nila balak na ipatupad ang pagbalik sa 8-hours working shift sa mga pulis kaya agad nilang sinang-ayunan ang pagpapatupad nito.

Plano ni Torre na ibalik ang otso oras na duty ng mga pulis sa pamamagitan ng tatlong ship sa loob ng 24 oras para mas maging aktibo at produktibo ang mga pulis habang naka-duty

Bunsod nito, inihayag ni Calinisan na nakikipag-ugnayan din ang kanilang tanggapan kay Gen. Torre upang makapagbalangkas ng resolusyon na kinakailangan para sa implementasyon nito at agad na ring maipatupad ang inilalatag na mga pagbabago sa police operation ng pambansang pulisya.

Ikinagalak din umano ng ahensiya ang inisyatibo ni Gen. Torre kaya suportado rin nila ang pahayag ng PNP chief na tao lamang ang mga pulis na nangangailangan din ng pahinga at tamang tulog at binigyang-diin na dapat mayroon din aniyang work-life-balance ang mga pulis.

Sinasabing mahalagang bagay ito sa plano ni Torre na paigtingin ang beat patrol, police visibility, pagpapatrolya sa mga lansangan gamit ang mobile patrol cars sa halip na tumambay sa mga police box o Police Community Precinct.

(JESSE KABEL RUIZ)

51

Related posts

Leave a Comment