UMAPELA ang grupo ng malalaking mangangalakal at mga negosyante sa Pilipinas sa mga mambabatas na maghinay-hinay at pag-aralan munang mabuti ang planong pagpapatupad ng P200 wage hike para sa arawang mga manggagawa.
Ayon sa FFCCCII, kinikilala nila ang kahalagahan na matiyak ang pagkakaroon ng tamang pasahod para sa mga manggagawa, subalit nakikiusap umano sila sa policymakers na ikonsidera ang mas balanse, consultative, at region-sensitive approach sa pagdetermina ng wage adjustments.
Kinikilala umano ng samahan ng mga mangalakal ang makataong intensyon sa likod ng panukalang P200 legislated wage increase na layuning itaas ang antas ng pamumuhay ng Filipino workers.
‘As an organization deeply committed to fostering sustainable economic growth, we believe that wage increases should be carefully calibrated—taking into account inflation, regional cost-of-living disparities, and the financial viability of businesses, particularly micro, small, and medium enterprises (MSMEs)—the backbone of the Philippine economy, paliwanag FFCCCII.
“A ‘one-size-fits-all legislative mandate’, though well-intentioned, risks unintended consequences, including reduced competitiveness of local enterprises, potential job losses, and diminished foreign investment confidence,” paliwanag pa ng grupo.
Mariing isinusulong ng FFCCCII ang tuloy-tuloy na “tripartite consultations” sa hanay ng labor, business, at ng gobyerno para matiyak na ang mga polisiya sa pasahod ay equitable, data-driven, at naayon sa katayuan ng ekonomiya ng bansa.
“This is better because we already have a tripartite mechanism under our current law. We stand ready to collaborate with all stakeholders in crafting solutions that balance workers’ welfare with business sustainability, safeguarding the long-term health of the Philippine economy,” ayon pa sa mga negosyante.
“We remain hopeful that through dialogue and evidence-based policymaking, we can achieve a wage system that is fair, progressive, and conducive to inclusive growth,” habol pa ni Victor Lim na siyang tagapangulo ng FFCCII.
(JESSE KABEL RUIZ)
