BMP CHAIRMAN: ‘KASUHAN SINA ARROYO AT ANDAYA DAHIL SA MULTI-BILYONG PORK BARREL!’

de Guzman-arroyo-andaya

(Ni NELSON S. BADILLA) NANINIWALA ang chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na nararapat lamang kasuhan upang makulong sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Majority leader Rolando Andaya Jr., sapagkat tahasang linabag nila ang Konstitusyon nang isingit umano nila ang multi-bilyong pork barrel sa mungkahing P3.757 trilyong badyet ng pamahalaan para sa susunod na taon. Idiniin ni Leody de Guzman sa Saksi Ngayon Newsbreak online na malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang pork barrel, kaya idiniin nitong nararapat lamang na kasuhan sina Arroyo at Andaya…

Read More