DU30 NAGBANTA NG SUSPENSIYON NG WRIT OF HABEAS CORPUS

duterte123

(NI BETH JULIAN) MAGDEDEKLARA ng “revolutionary war” at suspensiyon ng writ of habeas corpus si Pangulong Rodrigo Duterte para ipaaresto ang mga sangkot sa iba’t ibang mga krimen. Ito ang binitiwang banta ang Pangulo sa kaniyang talumpati sa Annual Convention of the Prosecutors League of the Philippines sa Palawan.Kasabay nito, pinatutsadahan  din niya si Senator Franklin Drilon na nag-abiso sa gobyerno na maging maingat sa pagrepaso sa lahat ng mga kontratang pinasok ng pamahalaan. Napag-alaman na sinabi ni  Drilon, na maaaring magdulot ng legal at pinansiyal na implikasyon sa bansa…

Read More

KAYA BIGO; MALILIIT NA ‘ISDA’ LANG PINAPATOS SA DRUG WAR

cocaine1

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung bigo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang giyera kontra ilegal na droga dahil ang mga maliliit na users ang kaniyang pinuntirya at hindi ang mga malalaking drug lords at mga shabu importers. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, unang bugso pa lamang aniya ng drug war ni Duterte ay nagbabala na ang mga ito na hindi siya (Duterte) magtatagumpya sa kaniyang misyon dahil mga users at small time pushers lamang ang kanilang tinatarget at…

Read More

MAY BANTA O WALA, TULOY ANG AKTIBIDAD NI DU30

du30with people12

(NI BETH JULIAN) WALANG nakikitang pangangailangan ang Malacanang para limitahan ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng Palasyo. Sa kabila ito ng pagsisiwalat ng Pangulo na may nagbabanta sa kanyang buhay. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, sa pagkakakilala niya sa Pangulong Duterte ay wala itong takot mamatay. Sa katunayan noong Miyerkoles ay may aktbidad ang Pangulo sa Puerto Prinsesa City, Palawan, para sa 31st Annual Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines. Ayon pa kay Panelo, may pagkakataon pa nga na tumakas ang Pangulo…

Read More

WALANG DEATH THREAT SA PANGULONG DUTERTE – PNP

duterte1234

(NI NICK ECHEVARRIA) NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na walang banta sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binigyang-diin ni PNP spokesperson  P/Col. Bernard Banac na wala silang natatanggap na anumang “death threat” sa buhay ng Pangulo. Gayunman sinabi ni Banac na  bilang pinakamataas na opisyal ng bansa tungkulin ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng Pangulo  sa tuwing nagsasalita at bumibisita ito  sa harap ng maraming tao bukod pa sa ibinibigay na mahigpit na security ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na siyang pangunahing ahensiya na nangangalaga sa…

Read More

‘MATINONG KAUSAP’ NAIS NI DU30 SA PEACE TALKS

duterte-30

(NI BETH JULIAN) NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bago at matinong kausap para sa peace talks. Sinabi ng Pangulo na ayaw na nitong kausap ang ‘bugoy’ at ‘matanda’ nang si CPP founding chair Jose Maria Sison. Ayon sa Pangulo, isa ito sa dahilan kung bakit tuluyan na niyang isinara ang pintuan para sa usapang pangkapayapaan sa kanyang panahon. Aniya, sadyang hindi na sila magkakaintindihan ni Sison kaya payo nito sa mga komunistang grupo na kung nais nilang maisulong at maituloy ang usapang pangkapayapaan ay makipag-usap na lamang sila sa…

Read More

PODIUM NI DU30 ITINAGO SA BULLETPROOF GLASS

bullet21

(CHRISTIAN DALE) MAY gusto umanong pumatay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang dahilan kung bakit nilagyan ng bulletproof glass ang podium na tinayuan ni Duterte habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) campaign rally sa Victoneta Avenue, Barangay Potrero, Malabon City, Martes ng gabi. “May gusto mang pumatay sa akin. Pero palagay ko pa naman ang buhay ay swerte-swerte lang. Kung panahon ko na talaga, wala na akong magawa. Tingnan ko lang kung gaano kakapal ‘to. Mukha hong hindi matablan ito ng…

Read More

DUTERTE KAY ORETA: ARESTO O 1 BUWAN LINIS-DROGA SA MALABON?

duterte lenlen12

(NI BETH JULIAN) TINANINGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon Mayor Antolin “Len Len” Oreta III ng hanggang isang buwan para resolbahin ang problema sa ilegal na droga sa Malabon City. Kasabay nito ay binalaan ng Pangulo si Oreta na aarestuhin ito kapag nabigong ayusin ang illegal drug problem sa kanyang nasasakupan. “Mayor linisin mo ang Malabon mo, bigyan kita ng isang buwan. Sabihin ko kay Cong. Ricky Sandoval, sorry na lang ha pahuli ko mayor niyo. Itapon na lang sa Manila Bay,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa…

Read More

PALASYO: REHAB CENTERS BUKAS SA MGA ARTISTA

film12

(NI BETH JULIAN) BUKAS ang mga rehabilitation centers para sa mga artistang sangkot sa ilegal na droga na nais talikuran ang masamang bisyo. Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo at sinabing handang tulungan ng Malacanang ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga na lalapit sa kanila. Sinabi ni Panelo na hindi lamang ang pag-aresto ang konsepto ng giyera kontra droga ng gobyerno kungdi ang tulungan din ang mga biktima para makapag bagong buhay. Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi maipapangangako ni Panelo na mananatiling…

Read More

PALASYO BUKAS SA SUHESTIYON SA LOAN AGREEMENT NG RP-CHINA   

CHICO RIVER

(NI BETH JULIAN) BUKAS ang Malacanang na makinig sa lahat ng suggestions kaugnay sa pinasok na kasunduan ng Pilipinas sa China kabilang na rito ang Kaliwa Dam project sa Infante, Quezon na popondohan ng China. Ayon kay Presidential spokeserpson Atty. Salvador Panelo, ikinokonsidera at tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga mungkahi at rekomendasyon. Sinabi pa ni Panelo na nakikinig din ang Pangulo sa lahat ng pananaw ng taumbayan. Ilang grupo na ang nagpahayag ng pagtutol sa pagsasakatuparan ng Kaliwa dam project sa kadahilanang masisira umano ang biodiversity…

Read More