P74-B NG SENADO PINARE-REBYU NG KAMARA KAY DU30

duterte senado

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa tapos ang ang bangayan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa 2019 national budget matapos hilingin ng mga kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebyuhin din ang P74 Billion ng mga senador na ayaw idetalye. Ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., ang kahilingan matapos hindi mapirmahan ni Duterte noong Marso kaya reenacted pa rin ang gamit na pondo ngayong Abril. Base kalakaran,  hangga’t hindi napipirmahan ng Pangulo ang bagong General Appropriations ACT (GAA) ay reenacted ang pambansang pondo na gagamitin ng national government.…

Read More

PANELO TIWALANG MAPIPIRMAHAN NA ANG 2019 BUDGET

panelo12

(NI CHRISTIAN DALE) MALAKI ang posibilidad na malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isinumiteng 2019 proposed national budget ng Kongreso. Ayon kay Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, napaka-busy ng schedule ngayon ng Pangulo kaya’t malabo itong agad mapirmahan ng Pangulo ang panukalang pambansang pondo. Sa ngayon aniya patuloy pa ring inaaral at binubusising mabuti ng Chief Executive ang budget bill na una nang nakwestyon dahil sa umanoy iligal na mga realignment na ginawa umano ng mga mambabatas. Subalit sa kabila nito, tiwala si Panelo na lalagdaan ng Pangulo…

Read More

ANTI-SIPOL LAW ‘DI PA NAPIPIRMAHAN NI DU30

catcalling123

(NI BERNARD TAGUINOD) DALAWANG araw bago matapos ang Buwan ng mga Kababaihan, muling umapela ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan na ang panukalang batas na magpaparusa sa mga mambabastos sa mga kababaihan sa lansangan. Umaasa si House deputy speaker Sharon Garin na mapipirmahan na ang nasabing panukalang batas o “Safe Street, Public and Online Space Act, upang makumpleto na ang selebrasyon sa International Women’s Month. “To culminate the celebration of Inernational Women’s Month, we echoed the call for the enactment of the…

Read More

GOBYERNO WALANG KINALAMAN SA KASO VS XI

xi12

(NI BETH JULIAN) WALANG kinalaman ang gobyerno ng Pilipinas sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping. Ito ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay His Excellency Song Tao, Minister ng International Department of the Communist Party of China Central Committee nang mag-courtesy call kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, Chinese Consul General to Davao Li Lin at iba pang Chinese delegates sa Matina…

Read More

ACIERTO KABILANG SA ‘NINJA COPS’ – DU30

aciero12

(NI BETH JULIAN) KABILANG umano si dating police sr. supt. Eduardo Acierto sa mga ‘ninja cop’, o pulis sa mga nagre-recycle ng mga nakumpiskang ilegal na droga. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa Koronadal City, South Cotabato. Ayon sa Pangulo, kilala si Acierto at kasamahan na si Ismael Fajardo sa pagre-recycle ng drugs at sa paggawa ng kwento. Inihalimbawa pa ng Pangulo ang pag-frame-up umano ni Acierto kay Marine Col. Ferdinand Marcelino na sangkot umano sa shabu laboratory sa Maynila pero kalaunan ay naabswelto…

Read More

PAGLUSOT NG 2019 BUDGET KAY DU30 ASAM NG KONGRESO

congress duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) TIWALA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na lulusot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 General Appropriations Act (GAA) o 2019 national budget dahil sumunod ang mga ito sa Konstitusyon. Ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., ang pahayag matapos pirmahan ni Senate President Vicente Sotto III ang GAA subalit may reservations ang mga senador dahil kontra pa rin sila sa pag-itemize sa mga lumpsum budget na ginawa pagkatapos ratipikahan ang pondo. Anumang araw ay maaari nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang national budget…

Read More

PALASYO TIKOM SA CELEBS NA NASA PDEA WATCHLIST

malacanang

(NI BETH JULIAN) WALANG maibigay na konkretong pahayag ang Malacanang kaugnay sa pagbubunyag sa mga pangalan ng mga artistang nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, hindi pa ito makapagbibigay ng anumang pahayag dahil kailangan pa nitong tanungin si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Panelo na dapat na manggaling sa Pangulo  ang desisyon kung pabor ito o hindi na ilantad at pangalanan ang nasa 31  sangkot sa ilegal na droga. “I have to ask the President. Ayaw ko lang ma-misquote,” tugon…

Read More

PEDERALISMO ‘DI PA PATAY – PALASYO

panelo12

(NI BETH JULIAN) HINDI pa nangyayari at maituturing na patay na hakbang ang usapin sa Pederalismo. Ayon kay Presidential spokesperspon  Atty. Salvador Panelo, maaaring may mga bagong senador na pumasok sa susunod na Kongreso na magsusulong ng Federalism. Dahil dito, sinabi ni Panelo na posible pang magbago ang ihip ng hangin lalo na kapag nagpalit na ng liderato sa Senado. Nabuhay ang usapin sa Pederalismo matapos mismong ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbantang magdedeklara ng giyera sa gobyerno si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari kapag…

Read More

MULING PAG-ARESTO SA KILLER NI CHRISTINE SILAWAN INIUTOS NI DU30

lee12

MATAPOS makalaya dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento, iniutos ni President Rodrigo Duterte ang muling pagdakip sa suspect sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan na ang bangkay ay tinadtad ng saksak, tinalupan ng mukha at tinanggalan ng lamang-loob. Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Koronadal City, South Cotabato, sinabi ng Pangulo na tinawagan niya ang prosecutor na nag-utos palayain ang 17-anyos na suspect at inutusang bawiin ang desisyon at muli itong ipaaresto. Pinalaya ng social welfare department ang suspect dahil hindi umano balido ang pagkakaaresto…

Read More