ICC WALANG AASAHAN SA GOBYERNO NG ‘PINAS

icc12

(NI BETH JULIAN) WALANG maaasahan ni katiting na kooperasyon mula sa alin mang ahensya ng gobyerno ang International Criminal Court (ICC). Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng pahayag ni ICC Criminal Prosecutor Fatou Bensounda na nagsabing itutuloy pa rin nila ang inisyal na imbestigasyon laban sa anila’y insidente ng extra judicial killing (EJK) at paglabag sa karapatan-pantao sa Pilipinas. Ipinunto ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na hindi naman kailanman napasailalim sa hurisdiksyon ng ICC ang Pilipinas. Paliwanag ni Panelo, hindi naman naging binding ang pagpirma ng Pilipinas sa…

Read More

ROAD BOARD BINUWAG NA NI DU30

duterte17

(NI BETH JULIAN) TULUYAN nang binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Road Board. Ito ay matapos pinal nang lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11239 noong Marso 8. Dito, sa ilalim ng batas, inatasan din na ibalik sa National Treasury sa ilalim ng isang special account ang perang nakolekta ng Road Board mula road users’ tax. Nakapaloob din sa bagong batas na inaatasan ang mga kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang lahat ng…

Read More

 GLORIA: PAG-ITEMIZE SA BUDGET WALANG MALI 

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD) AYAW umanong ilagay ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa alanganin sa national budget kaya nag-itemize ang mga ito ng mga proyektong paggagamitan sa mga lumpsum budget. Sa ambush interview, matapos dumalo sa pagdinig sa water crisis na naranasan ng mga customers ng Manila Water, pinanindigan ni Arroyo na walang mali sa kanilang pag-a-itemize sa lumpsum budget dahil ito ang iniuutos umano ng Korte Suprema. Ayon sa dating pangulo, sumusunod lamang umano ang mga ito sa nagisnan nilang batas na kailangang i-detalye kung saan…

Read More

COMELEC KONTRA SA ISINAPUBLIKONG NARCO LIST

comelec

(NI HARVEY PEREZ) HUWAG na sanang maulit ang paglalahad sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ikalawang listahan ng umano’y mga narco-politicians. Ito ang pakiusap ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa dahilan na “unfair,” at nakasisira lang umano ng pangalan at nakaapekto sa pamilya ang pagsasapubliko ng 46 na suspected narco-politicians. Sinabi pa ni Jimenez na magiging  “trial by publicity” ang ginawa ng gobyerno kung hindi man lang kakasuhan ang mga binanggit na narco-politician. Matatandaan na sinabi ng Comelec na mas mabuting kasuhan at magkaroon muna ng matibay na…

Read More

NARCO LIST NG PANGULO KINATIGAN NG PDEA

pdea

(NI NICK ECHEVARRIA) IPINALIWANAG  ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Carreon na ang tanging layunin ng ipinalabas na narco-list ng Pangulong Rodrigo R. Duterte kamakailan ay para mapigilan at ma-minimize ang korapsyon sa hanay ng mga government officials. Ginawa ni Carreon ang pahayag sa isang pulong ng mga government officials sa Davao City bilang tugon sa mga alegasyon na nais lamang dungisan ng ipinalabas na narco list ang kredibilidad ng mga politikong kasama sa listahan ng mga tinaguriang narco politicians sa bansa. Binigyang diin ni Carreon na ang…

Read More

KAMARA SA SENADO: KAYO ANG HADLANG SA BBB NI DUTERTE

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong humaharang sa build-build-build program ni Pangulong Rodrigo Duerte, ito  ay walang iba kundi ang mga senador at hindi ang  Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang sagot ng liderato ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa alegasyon ng Senado na sila ang humaharang sa mga programa ni Duterte dahil sa usapin ng 2019 national budget. “Ang Senado at hindi ang House of Representatives ang humaharang sa mga programa ni Pangulong Duterte, lalo na sa kanyang Build Build Build program,” pahayag ni House appropration…

Read More

PART II: 82 PA SA NARCO LIST IHAHAYAG NA

dutertenarcolist1

(NI JG TUMBADO) MAGLALABAS pa umano ng 82 pangalan sa narco politician list sa mga susunod na araw. Ang pagkakaroon ng part two sa narco list ay sa dahilang tinatrabaho pang mabuti ang kilos ng mga politikong sangkot sa illegal na droga. Ang 82 ay kasama na umano sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit minabuting huwag munang banggitin hangga’t hindi pa tapos ang balidasyon. Samantala, ibabase naman ng Philippine National Police (PNP) ang susunod na aksyon sa magiging resulta ng gagawing imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa isinampang reklamo laban…

Read More

DU30 OK NA MATAPOS ATAKIHIN NG MIGRAINE

duterte100

NASA maayos nang kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong makaranas ng matinding sakit ng ulo, nitong Biyernes. Kinumpirma ito ni dating special assistant to the President Bong Go at sa katunayan umano ay balik na sa trabaho ang Pangulo gaya ng pagbabasa ng mga dokumento. Sabay din umano silang nag-midnight snack at halos tatlong oras na nagkwentuhan. Hindi nakadalo ang Pangulo sa ilang okasyon kasama na ang pamamahagi ng lupain sa Davao City. Sinalo naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang posisyon ng Pangulo na nanguna sa ceremonial…

Read More

NARCO LIST IDINEPENSA; MGA NASAGASAAN MAGDEMANDA – DU30

duterte15

(NI BETH JULIAN) IDINEPENSA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa nitong pagbubunyag sa listahan ng mga narco list. Sinabi ng Pangulo na ang trabaho nila ay makahanap ng probable cause na ipiprisinta sa piskalya laban sa mga isinasangkot sa ilegal na droga. Katwiran ng Pangulo, dapat maunawaan ang salitang ‘probable’ na ang kahulugan ay hindi kinakailangan 100 porsyentong  sigurado ang isang alegasyon laban sa inaakusahan. Ayon sa Pangulo, nasa korte na ang bola para suriin ang mga inihaing ebidensya at timbangin ito kung sapat o hindi para maideklara kung guilty…

Read More