(NI BETH JULIAN) MATAPOS ibunyag ang 46 pangalan ng mga politiko sa narco list, siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mahirap ang buhay ng mga drug lords at drug pushers sa bansa habang siya pa ang nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Matapang na inihayag ng Pangulo na titiyakin niyang magiging impiyerno ang buhay ng mga drug traffickers sa bansa hanggang siya ang nanunungkulan bilang Pangulo ng bansa. Miyerkoles ng gabi nang ianunsyo ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng ilang pulitikong sangkot sa ilegal na droga mula sa iba’t bang…
Read MoreTag: DUTERTE
MALAKING PLAKA SA MOTORSIKLO APRUB NA
(NI DAHLIA S. ANIN) PIRMADO na ni Pangulong Duterte ang batas na nagtatakda ng mas malaki, madaling mabasa at color coded na plate number para sa mga motorsiklo. Isa nang ganap na batas ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act. Ang batas na ito ay ginawa upang mabawasan ang mga krimen na ginagawang get-away vehicle ang mga motorsiklo sa pamamagitan ng paglalagay ng mas malalaking plaka para mas madaling makita at mabasa ang plate number nito at meron na ding color coding para madaling malaman kung saan…
Read More‘POLITICAL ASSASSINATION’ ARANGKADA NA SA NARCO LIST
(NI BERNARD TAGUINOD) NGAYONG inilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga politiko na sangkot umano sa ilegal na droga, magsisimula na ang “political assassination sa bansa. Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, bagama’t suportado umano ng mga ito ang kampanya kontra ilegal na droga, hindi ito pabor na maglabas ng pangalan ng mga sangkot sa ilegal na droga na walang matibay na basehan. Nangangamba ang mambabatas na lalong dadanak ang dugo ngayong panahon ng eleksyon sa ginawa umano ng Pangulo lalo na’t karamihan sa mga pinangalanang politiko…
Read MorePAYO NI DU30 BINALEWALA; AWAY NG KAMARA, SENADO LUMALALA
(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip sundin ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkasundo na sa 2019 national budget upang matapos ang paggamit ng reenacted budget, mistulang lumala pa ang away sa pagitan ng liderato ng Kamara at Senado. Ito ay matapos bakbakan, hindi lamang ng majority bloc kundi ng minority bloc sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Panfilo Lacson at tinawag ang mga ito na nagmamagaling sa batas at mistulang mga prosecutor na ang mga ito. “If these two senators will not stop acting as prosecutors, then…
Read MoreJOMA: KONDISYON NI DU30 SA PEACE TALKS KALOKOHAN!
(NI JUN V. TRINIDAD) “KALOKOHAN” na parang “payaso” ang hinihinging kondisyones ni Pangulong Duterte para muli niyang buksan ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gubyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ito ang sagot ni Jose Maria “Joma” Sison, Communist Party of the Philippines (CPP) founder, sa pahayag ni Duterte na pahihintulutan niya ang muling paghaharap ng mga kinatawan ng pamahalaan at mga rebelde kung magbababa ng armas ang mga komunistang gerilya at ititigil ang pangongolekta ng tinatawag na “revolutionary tax”. Muling ipinahayag ng Pangulo ang kanyang mga…
Read MoreDUTERTE GOV’T ‘DI LUSOT SA ICC ANG EXTRAJUDICIAL KILLINGS
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG epekto sa International Criminal Court (ICC) ang pagbabalewala ng Palasyo ng Malacanang sa gagawing imbestigasyon sa Extrajudicial Killings (EJK) sa Pilipinas sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga. Kasabay nito, umapela din si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa mga nasa kilod ng EJK na itigil na ang kanilang ginagawa dahil hindi lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanganganib na maparusahan ng ICC kundi ang mga ito. Ayon kay Alejano, kahit nagwithdraw na ang Pilipinas sa ICC ay wala pa ring epekto ito sa ICC…
Read MoreBANTA SA BUHAY NG MGA PARI ‘DI NAKAGUGULAT SA SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng isang kongresista ang banta sa buhay ng mga pari dahil mismong ang Pangulo umano ang nag-uudyok na gawan ng masama ang mga taong simbahan. Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang pahayag matapos lumantad sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo dahil sa mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay. Hindi kagulat-gulat na mayroong mga pagbabanta sa buhay ng kaparian habang patuloy silang bukambibig ng ating Pangulo. Inuudyok pa niya na pagnakawan at patayin ang mga ito. The President’s words…
Read MorePDU30 NAGING ‘MODERATOR’ SA BANGAYAN NG 2 KAPULUNGAN
(NI BETH JULIAN) WALANG intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na diktahan ang mga mambabatas na ipinatawag nito Lunes ng gabi para sa isang hapunan sa Malacanang. Sa press briefing Martes ng tanghali, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na nagsilbi lamang moderator si Pangulong Duterte sa pag uusap. Kabilang sa nakaharap ng Pangulo sa hapunan ang ilang senador sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto, Loren Legarda at iba pa habang kasama naman sa panig ng kamara si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Panelo, bagmat hindi nito…
Read MoreMATAAS NA SATISFACTION RATING NI DU30 HINDI RAMDAM
(NI BERNARD TAGUINOD) TALIWAS sa mga nangyayari at nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan sa ibaba ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nagpapakita na tumaas pa ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dahi dito, kinuwestiyon ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro ang timing ng pagpapalabas sa nasabing survey ng SWS na ginawa noong Disyembre 16-19, 2018 lalo na’t maraming malalaking isyu ang puwedeng pagtakpan ng gobyerno. “Ako personally hindi ako naniniwala sa ganyang (resulta) survey kasi nakikita natin kabi-kabila, harap at likod, kaliwa’t kanan…
Read More