FARMERS TUTUTOK SA REGULASYON NG RTA

dufarm

(NI LILIBETH JULIAN) INOOBLIGA na makibahagi sa pagbabantay sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation ng Rice Tariffication Act ang mga rice farmers. Ito ang panghihikayat ng Malacanang sa mga magsasaka dahil mahalagang maging aktibo ang mga magsasaka sa bubuuing IRR para makita at matiyak na hindi mapapasukan ng anumang iregularidad ang pagpapatupad ng batas. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, kakailanganin ang mahigpit na pagbabantay ng mga magsasaka ang pagbuo ng IRR para na rin sa kanilang kapakanan. Dito, tiniyak ni Panelo na hindi kukunsintihin…

Read More

PAGBUWAG SA NFA MALABO

rice19

(NI LILIBETH JULIAN) NAPAWI ang takot ng mga opisyal at empleado ng National Food Authority (NFA) sa pangambang mabubuwag ang ahensya kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tarrification Bill na katatapos lamang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Ito ay matapos makita ang nakasaad sa Section 8 ng bagong batas na mananatili pa rin ang NFA dahil inaatasan ang ahensya na panatilihin ang sapat na buffer stock ng bansa at dapat na kukunin lamang ito sa mga lokal na magsasaka. “The NFA shall, in accordance with the rules, regulations…

Read More

HIGIT KALAHATI NG 36-M SSS MEMBERS ‘DI NAGBABAYAD

sss16

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa katamaran at kawala ng sigasig ng Social Security System (SSS), wala pa sa kalahati sa 36 million miyembro nito ang nagbabayad ng kontribusyon kaya hindi nakakapagtatakang umiiksi ang buhay ng pension fund na ito ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Ito ang isiniwalat ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos sa Zarate matapos lumabas sa datos ng SSS na 15 milyon lang sa 36 milyon ang nagbayad o nakolektahan ng kontribusyon noong 2017. “As it is, with its low collection rate, only 42% of its members…

Read More

COCAINE SA DAGAT INSULTO SA DRUG CAMPAIGN NG GOBYERNO

cocaine17

(NI BERNARD TAGUINOD) INSULTO sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga ang nga cocaine na ibinabagsak sa karagatan ng Pilipinas tulad ng mga narekober sa Dinagat Island at Camarines Sur at Norte. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang pahayag dahil bukod sa mga tone-toneladang shabu na nakalusot sa Bureau of Custom (BOC) ay nagdadatingan ang mga cocaine sa bansa na ibinabagsak sa karagatan. “With the tons of shabu being shipped into the Philippines through the Bureau of Customs and the recently-found dozens of kilos…

Read More

P10-B PONDO SA FARMERS NA APEKTADO NG RTA

bigas18

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY) TINIYAK ng Malacanang na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Act dahil sa inilaang P10 bilyon pondo kada taon para sa maaapetuhan nito. Ito ang nakapaloob sa nilagdaang batas kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing benchmark kung anuman ang magiging epekto sa mga magsasaka na dulot ng RTA. Sa ilalim ng Section 13, anim na taon ang itatagal na pahintulot para sa paglikha ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na paglalaanan ng P10 billion annual budget. At…

Read More

PALASYO NAGALAK; BILANG NG DRUG ADDICT NABAWASAN

drugaddict

(NI LILIBETH JULIAN) TAHASANG ipinagmalaki ng Malacanang ang inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na kumonti ang bilang mga mga drug addict simula nang ipatupad ang kampanya kontra droga ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, ang nasabing resulta ng SWS ay ikinagalak ng Malacanang maging mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Panelo na patunay ito na tagumpay ang administrasyong Duterte sa kampanya kontra ilegal na droga kaya dapat lamang tumigil na ang mga kritiko ng administrasyon sa pagbatikos. Apela ni Panelo sa…

Read More

COCO LEVY BILL ‘TINOKHANG’ NI DUTERTE

coco16

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Dismayado ang mga magsasaka ng niyog kay Pangulong Duterte sa ginawa niyang “veto” o pagbasura sa panukalang batas na magtatakda sa disposisyon ng P100 billion coconut levy fund. “Tokhang by exclusion ang ginawa ni Pangulong Duterte,” ang patutsadang pitik ni Jansept Geronimo, spokesperson ng Kilusan Para sa Tunay na Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan), sa panayam araw ng Linggo. Dagdag pa niya: “Ayaw ni Duterte na mamamayani ang mga kinatawan ng magsasaka ng niyog sa pagdedesisyon sa kung papaano gagamitin ang coco levy fund”. Sinumbatan…

Read More

PAGLUSAW SA ROAD BOARD NAKAPILA KAY DU30

duterte12

(NI NOEL ABUEL) LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para sa tuluyag paglusaw sa Road Board Regulatory Agency. Kumpiyansa ang liderato ng Senado na tuluyan nang maisasabatas ang House Bill 7436 na kinuha ng Senado at ipinadala noong Pebrero 8 ng Presidential Legislative Liaison Office sa Malacañang para lagdaan ni Duterte. Umaasa rin ang mga mambabatas na bago matapos ang 30 araw ay mapipirmahan ng Pangulo ang nasabing panukala at hindi tuluyang mabalewala dahil mismong si Pangulong Duterte ang nais na mawala ang Road Board dahil na rin…

Read More

P520-M INILAAN NG KONGRESO SA SENIOR CITIZENS

senior16

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T hindi pa napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglaan na ang Kongreso ng P520 milyon  para sa itatatag na National Commission on Senior Citizen na tututok sa lahat ng pangangailangan ng mga matatanda. Ito ang kinumpirma ni Senior Citizen party-list Rep. Francisco Dator dahil kasama sa nasabing halaga sa 2019 national budget na ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Dahil dito, hiniling ni Datol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simulan na ang paghahanda para sa itatatag na ahensya ngayon pa lamang upang agad…

Read More