POLITIKONG SUSUPORTAHAN NI DU30 SA ELEKSIYON INILABAS

digong

(NI BETH JULIAN) ILANG linggo pa man bago ang panimula ng kampanyahan para sa 2018 elections, tinukoy na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan na kanyang susuportahan. Kasabay nito, umapela rin ang Pangulo sa publiko tungkol sa kung sino dapat ang ibotong mga kandidato. “Mamili naman sana kayo ng taong para sa gobyerno,” panawagan ni Duterte. Kamakalawa nang dumalo sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Summit sa Pasay City ang Pangulo, ay sinabi nito sa kanyang talumpati na dapat ang iboto ay ang mga taong para sa gobyerno. Ibinunyag din ng…

Read More

SGMA: MY AGENDA IS THE PRESIDENT’S AGENDA

gma

(NI BERNARD TAGUINOD) INAMIN ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na siya mismo ang nangunguna sa pagpapatibay sa panukalang ibaba ang criminal responsibility ng mga batang nagkakasala sa batas sa 9- anyos dahil priority agenda ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. “The President wants it,” ani Arroyo sa ambush interview kaya kailangang una siyang sumuporta sa House Bill 8858 o ibaba sa 9 anyos criminal responsibility mula sa kasalukuyang 15 anyos. Magugunita na personal na binantayan ni Arroyo ang pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep.…

Read More

PAMUMUNO NI DUTERTE KAHIHIYAN SA BANSA – BISHOP SANTOS

BISHOP SANTOS - DUTERTE

(Ni BETH JULIAN) MAY bagong batikos na naman ang isang Obispo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na labis na ikinalulungkot ngayon ng Palasyo. Ito ay matapos sabihin ni Balanga, Bataan Bishop Roberto Santos, na ang pamumuno ni Pangulong Duterte isang kahihiyan sa bansa. Tugon naman ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, mukhang hindi naimpormahan ang Obispo sa paniniwala ng mas nakararaming Filiipino. Tinukoy ni Panelo ang resulta ng aprroval at trust ratings ng Pangulo na nagpapakita  na malaki ang tiwala at pasasalamat ng mga Filipino sa Pangulo at sa uri…

Read More

MGA BEBOT UMAALMA KAY DIGONG

women

(NI BERNARD TAGUINOD) PUNUMPUNO na ang  grupo ng mga kababaihan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil imbes na protektahan ang karapatan ng mga babae lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kabaliktaran ang ginagawa nito. Ayon kina Gabriela party-list group na kinakatawan nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, panahon na para palagan ng mga kababaihan ang Pangulo kung saan hinimok ng mga ito ang mga OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo na magprotesta na. Ginawa ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Duterte…

Read More

5 POLICE OFFICIAL PATONG SA DRUGS IPINASISIBAK

du30

LIMANG opisyal ng Bacolod City Police Office, kabila ang ilang lokal na opisyal sa siyudad,  ang ipinasisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Regional Office (PRO)-6 director C/Supt. John Bulalacao. Mismong ang Pangulo ang nagbunyag kina S/Supt. Francisco Ebreo, officer-in-charge city director ng BCPO; Deputy for Operations na si P/Supt. Allan Macapagal; P/Supt. Richie Yatar; P/Supt. Nassrudin Tayuan, dating team leader ng Bacolod City Drugs Enforcement Unit at nakabase na ngayon sa Mindanao; at si S/Insp. Victor Paulino, dating hepe ng Police Station 3, na umano’y nasa likod ng malalaking…

Read More

DUTERTE, SIMBAHAN PAGBABATIIN

digong

(NI NOEL ABUEL) TATANGKAIN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mamagitan sa Pangulo at sa mga obispo at pari upang matapos na ang kanilang bangayan. Naniniwala umano ito na may posibilidad na may iba-ibang sumbong na nakararating kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kawani ng Simbahang Katolika kaya’t matindi ang gigil nito sa mga obispo at pari. “Maganda siguro, subukan natin mag-mediate, marami ako kaibigan sa CBCP. Every now and then naman nakakausap ko si Presidente. Subukan natin tanungin ko,” saad ni Sotto. Idinagdag pa nito na…

Read More

TASK FORCE VS TIWALI BINUO

dar

(NI LILIBETH JULIAN) SA layong mapalakas pa ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno, bumuo ng isang anti-corruption task force ang Department of Agrarian Reform (DAR). Ang nasabing task force ay katuwang ni Pangulong Rodrigo Duterte para mas lalo pang paigtingin ang inisyatibo nito na labanan at linisin ang pamahalaan sa mga tiwaling kasapi nito. Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ang DAR Anti-Corruption Task Force ang tututok at magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga impormasyong tinatanggap ng ahensya na may kaugnayan sa mga tiwaling kasapi ng pamahalaan. “May mga intelligence…

Read More

SIBAKAN NA NAMAN SA GABINETE

malacanang

(NI LILIBETH JULIAN) INAASAHAN pa ang mga serye ng sibakan sa mga opisyal na nakapuwesto sa gobyerno. Ito ang mahigpit na ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na mananatiling pasaway sa pamamagitan ng pananamantala habang nakapuwesto. Makailang ulit nang ipinaalala ng Pangulo na may kalalagyan ang mga itinalaga niyang mga opisyal ng gobyerno na mababahiran ng dungis ng katiwalian o masangkot sa iregularidad ang kanilang pangalan. Sinabi ng Pangulo na asahan na marami pa ang mga nakalinyang sisibakin sa puwesto kung hindi titino ang mga ito.…

Read More

PABAHAY SA MGA SUNDALO, PULIS TINUPAD NI DUTERTE

TUPAD

(NI LILIBETH JULIAN ) TINUPAD  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangako nito sa mga sundalo at pulis. Ito ay matapos ihayag na ng Pangulo na mas maluwag na pabahay ang ipinamahagi nito sa mga kasapi ng PNP at AFP. Kahapon ng hapon ay sinimulan nang ipamahagi ni Pangulong Duterte ang pabahay nito sa Pleasant View Residennces, Brgy. Graceville, San Jose del Monte, Bulacan. Ipinakita ni Duterte sa mga mamamahayag ang model house o unit na matitirhan ng mga sugatang sundalo at pulis. Mahigit 1,700 low rise unit ang nakatayong pabahay …

Read More