(NI LILIBETH JULIAN) PURSIGIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang panukalang batas para sa pagpapataw ng dagdag-buwis sa alak at sigarilyo. Sa talumpati ng Pangulo sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City kahapon, binigyan diin nito ang masamang epekto sa kalusugan ng labis na paninigarilyo at pag inom ng alak. Ayon sa Pangulo, walang ibang maidudulot ang sigarilyo at alak kungdi ay ang pagkakaroon ng karamdaman gaya ng cancer o pneumonia. “Gaya ng aking ama, maagang pumanaw dahil sa labis na paninigarilyo. Wala…
Read MoreTag: DUTERTE
BOMB JOKE, DILG EMPLOYEE ARESTADO
INARESTO ang isang empleyado ng Department of Interior and Local Government matapos umano ang bomb joke ilang oras bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cunesta Astrodome sa Pasay City. Si Elsie Castillo, local government operations officer VII ng DILG ay inaresto at iniimbestigahan sa Southern Police District. Si Castillo ay inireklamo ni Corporal Junalyn Ungab, ng Presidential Security Group. Si Castillo umano ay pumasok sa Cuneta Astrodome bandang alas-11:50 ng tanghali at nang sinisiyasat ang bag nito ay nagsabi umano ang suspect na “Ma’am, hindi mo ba kakalkalin, may…
Read MoreMANILA BAY LILINISIN, ‘PASAWAY’ ISASARA
IPASASARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga establisimyento sa paligid ng Manila Bay na mapatutunayang nagtatapon ng basura at dumi sa Manila Bay. Inatasan ng Pangulo sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at Environment Secretary Roy Cimatu na linisin ang Manila Bay sa madaling hinaharap. Nararapat na umanong linisin ang Manila Bay dahil patay na ito sa dami ng itinatapong basura mula sa mga malalaking establisimyento sa paligid nito. Kagabi ay dumalo ang Pangulo sa Barangay Summit for Peace and Order sa Pasay City kung saan sinabing hindi…
Read More3 OPISYAL NI DUTERTE SABIT SA KATIWALIAN
TATLONG hindi pa pinangalanang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa katiwalian. Kinumpirma ni PACC chair Dante Jimenez, na sangkot ang tatlong miyembro ng Gabinete at kasalukuyang iniimbestigahan ngayon. Matapos ang imbestigasyon ay ipapasa na ang report sa Pangulo na siyang maghahayag ng mga pangalan ng tatlong tiwaling opisyal. 292
Read MorePEACE TALKS MULING BUBUKSAN
(JUN V. TRINIDAD) POSIBLENG muling magsimula ang usapang-pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at mga komunistang rebelde. Noong Biyernes ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas pa ang pinto para sa pagpapatuloy ng peace talks na ipinatigil niya noong Nobyembre 2018. “Hindi mo pwedeng sarhan (ang pinto). Mag-iwan ka talaga maski maliit. So meron diyan, sabi ko ‘sige basta walang coalition (government),” ang wika ni Duterte sa Pili, Camarines Sur. Kagyat namang pumalakpak si Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa pahayag ni Duterte.…
Read MoreP200-B SAVINGS IPINAGAGAMIT NA
(NI BERNARD TAGUINOD) PWEDE nang gamitin ang P200 Billion na savings o hindi nagastos ng gobyerno noong 2018 matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution (JR) No.3 na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nagbibigay ng karagdagang buhay sa 2018 national budget. Ito ang inanunsyo ng liderato ng Kamara sa pamamagitan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makarating sa kanilang kaalaman na piniramahan na ni Duterte ang nasabing resolusyon. Inakda ni Arroyo ang nasabing resolusyon dahil sa cash-budgeting system na itinutulak ng mga economic…
Read MoreBIYUDA NI BATOCABE PINATATAKBONG MAYOR NI DU30
PINATATAKBONG mayor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang biyuda ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na tatakbo sanang mayor sa Daraga, Albay, para sa 2019 midterm elections. Ito ay matapos bigyang- babala ng Pangulo ang hindi pinangalanang alkalde na itigil ang pananakot kay Gertie, biyuda ng kongresista. Nauna nang kinumpirma ng anak ni Batocabe na tiyak umanong may ipapalit sila sa pinaslang na ama para tumakbong mayor. Ito umano ay upang ipagpatuloy ang magandang hangarin ni Batocabe sa kanyang nasasakupan. Sinabi ni Pangulo na kung hindi titigil ng…
Read MoreDOKTRINA NG ‘TRINITY’ TINAWAG NA KABALIWAN NI DUTERTE
NAKATIKIM na naman ng maanghang na pananalita at pagbatikos sa ilang doktrina ang Simbahang Katolika nang magtalumpati ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Kidapawan City, Cotabato. Tinawag ng pangulo na kabaliwan ang doktrina ng ‘Trinity’ o ‘Banal na Santatlo’ dahil iisa lamang ang Diyos at hindi ito pwedeng hatiin sa tatlo. “Isa lang ang Diyos. There’s only one God, period. You cannot divide God into three. That’s silly,” ani Duterte. Ang ‘Holy Trinity’ na tinutukoy ng pangulo ay ang doktrina ng simabahan na mayroong isang Diyos subalit mayroong tatlong persona. Sinabi…
Read MoreDUTERTE HUMINGI NG TULONG SA REBELDE
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komunistang rebelde na tumulong sa pagdakip sa mga pumaslang kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at sa police escort nitong si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz sa Albay noong December 22. Ito ay sa harap ng pagsabi ng National Democratic Front of the Philippines-Bicol Region na walang kinalaman ang New People’s Army (NPA) sa pagpaslang. “Kaya isa nga kayo sa mga suspect, NPA. Pero sabi niyo hindi, ‘di hindi. Eh ngayon kung hindi kayo, sino? Sige daw. Magkaibigan man talaga tayo. Kung…
Read More