PAGKALAS NG PINAS SA ICC SUPORTADO SA SENADO 

titosottoicc

(NI NOEL ABUEL) WALANG nakikitang problema ang liderato ng Senado sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, walang negatibong epekto sa bansa ang hindi na pagkilala sa ICC lalo na at hindi naman ito nakatutulong sa buhay ng mga Filipino. Giit pa ni Sotto na maging ang Estados Unidos ay hindi kinikilala ang ICC at walang tumutol na mga mambabatas sa desisyon ng kanilang opisyal. “I don’t think so. As a matter of fact, the United States is also not inclined…

Read More

DUTERTE GOV’T ‘DI LUSOT SA ICC ANG EXTRAJUDICIAL KILLINGS

ejk1

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG epekto sa International Criminal Court (ICC) ang pagbabalewala ng Palasyo ng Malacanang sa gagawing imbestigasyon sa Extrajudicial Killings (EJK) sa Pilipinas sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga. Kasabay nito, umapela din si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa mga nasa kilod ng EJK na itigil na ang kanilang ginagawa dahil hindi lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanganganib na maparusahan ng ICC kundi ang mga ito. Ayon kay Alejano, kahit nagwithdraw na ang Pilipinas sa ICC ay wala pa ring epekto ito sa ICC…

Read More

‘ICC WALANG KARAPATANG MANGHIMASOK SA ‘PINAS’

icc12

(NI BETH JULIAN) WALANG hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang Pilipinas. Ito ang pahayag ng Malacanang at sinabing nilalabag ng lCC ang sarili nitong mga panuntunan sa ginagawang imbestigasyon ng crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, kailanman ay hindi naging miyembro ang bansa sa Rome statute na nagtatatag sa nasabing grupo. Una nang pinalutang ng ICC na ang anti-drug campaign ng Duterte administration ay  nauwi na sa extra judicial killings. “We said from the very beginning,…

Read More