‘PONDO NG 200 DELEGADO SA JAPAN TRIP SAAN KINUHA?’

duterte japan12

(NI BERNARD TAGUINOD) YARI ang pondo ng bayan sa 200 katao na binitbit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Japan. Ito ang ikinababahala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano dahil malamang na ginamit umano ang pondo ng bayan para gastusan ang napakalaking delegado na hindi lamang umano binubuo government officials kundi mga kaibigan at kaalyado ng administrasyon. “It has been circulating in social media that other friends and allies of the administration, who have no clear roles in official business, are also part of the delegation. This means…

Read More

JAPAN KATUWANG NG PHL SA PAGLAGO NG EKONOMIYA

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Pilipinas ang Japan bilang isa sa pinakamalaking contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi maitatanggi na malaki ang naiambag ng bansang Japan sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Laurel, malaki ang nagawa o magagawa pa rin hanggang ngayon ng Japan sa Build Build Build Program ng administrasyon. Pahayag ni Laurel, hindi biro ang ibinubuhos na resources ng Japan sa mga infrastructure project sa ilalim ng BBB program partikular na sa pagpopondo ngayon ng…

Read More

P300-B INVESTMENT DEALS INAASAHAN SA JAPAN VISIT NI DU30

DUTERTEJAPAN12

(NI CHRISTIAN  DALE) TINATAYANG nasa P300 bilyong halaga ng investment deals ang makukuha ng Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan. Nakataldang dumalo ang Pangulo sa Nikkei 25th International Conference on The Future of Asia sa May 30 hanggang 31 sa gitna ng patuloy na lumalakas na ugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan. Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang kasunduang makukuha sa biyahe ng Punong Ehekutibo ay magreresulta sa 80,000 na trabaho para sa mga Pilipino. Sinasabing nasa 20 business agreements sa larangan ng imprastraktura, manufacturing, electronics,…

Read More

ISYU SA SOUTH CHINA SEA PAG-UUSAPAN SA JAPAN

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) INAASAHANG tatalakayin sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanilang bilateral meeting sa Tokyo ang isyu ng South China Sea. Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Asian Pacific Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre, hindi lamang usapin ng South China Sea ang maaaring mapag-usapan ng dalawang lider kundi maging ang Korean Peninsula. Sinabi ni Montealegre na kasama sa agenda ang paghahanap ng mapayapang paraan o resolusyon sa isyu ng territorial dispute. Ayon kay Montealegre, nakatakdang magbigay ng keynote adress…

Read More

RELASYONG JAPAN-PHL PATATATAGIN PA SA PAGBISITA NI DU30

DUTERTEJAPAN12

(NI BETH JULIAN) INAASAHANG sa pagtungo sa Japan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay malalagdaan ang  dalawang Memorandum of Understanding (MoUs) at walong letters of intent. Ito ang kabilang sa mga aktibidades ng Pangulo na inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pagdalo sa nito sa 25TH NIKKEI Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan ngayong Mayo. “Sa ngayon, ongoing ang finalization of arrangements but we will have a business forum that will allow the President to meet the Japanese companies, representatives, CEOs, as well…

Read More

DU30 BIYAHENG-JAPAN; HAHARAP KAY PM ABE SA BILATERAL MEETING

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) SA ikatlong pagkakataon, magtutungo sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 30-31 para sa International Conference on the Future of Asia. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang okasyon ay  pagtitipon ng mga lider ng Asia-Pacific Region kung saan nakatakdang magtalumpati ang Pangulo. Pagkatapos ng talumpati, haharap si Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe para sa idaraos na bilateral meeting. Bagama’t wala pang detalye, inaasahan ni Panelo na ang pagtungo ng Pangulo sa Japan ay mas lalong magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Japan…

Read More

PALICTE VS IOKA SA WBO SUPER FLYWEIGHT CROWN SA JAPAN

ioka12

(NI ARIEL BORLONGAN) PORMAL nang inihayag sa Las Vegas, Nevada ng World Boxing Organization (WBO) ang laban nina No. 1-ranked “Mighty” Aston Palicte ng Pilipinas laban kay Japanese No. 2 contender at three-division world champion Kazuto Ioka para sa bakanteng WBO junior bantamweight title sa Hunyo 19 sa Osaka Prefectural Gym sa Osaka, Japan. Ipalalabas ng UFC Fight Pass® ang live streaming ng laban sa labas ng Japan at ang Palicte vs. Ioka ang kauna-unahang kampeonatong pandaigdig sa boksing na ipalalabas sa FIGHT PASS na nakipagkasundo sa promoter ng Pinoy…

Read More

5-TAONG VISA SA PINOY NA GUSTONG MAGTRABAHO SA JAPAN, POSIBLE

japan12

POSIBLE umanong mabigyan ng limang taong visas sa ilalim ng bagong trade agreement ang mga Filipino na professional o businessman na naghahanap ng trabaho o negosyo sa Japan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Sinabi ng DTI na ang Pilipinas, bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations, ay lumagda sa First Protocol na nag-aamyenda sa ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership (AJCEP) Agreement sa Siem Reap, Cambodia. Ang AJCEP ay isang free-trade deal na nagbabawas, kundi man, magtatanggal ng buwis sa mga produkto sa pagitan ng ASEAN countries at…

Read More

RONNIE RICKETTS PINAYAGAN NG SANDIGAN MAG-JAPAN

ricke

(NI JEDI PIA REYES) INAPRUBAHAN ng Sandiganbayan 4th Division ang hirit ni dating Optical Media Board chairRonaldo “Ronnie” Ricketts na magtungo ng Japan sa susunod na buwan. Nauna nang naghain ng mosyon ang kampo ni Ricketts na makapag-bakasyon mula Marso 1 hanggang 9 kasama ang kanyang pamilya. Ayon kay Ricketts, noong Disyembre ng nakaraang taon pa binalak ang bakasyon para matiyak na makakasama nito ang kanyang mga anak. Inaasahang tutuloy ang pamilya ni Ricketts sa Shinjuku Granbell Hotel. Sa orihinal na mosyon ni Ricketts, hanggang Marso 8 lamang ang bakasyon…

Read More