(NI NICK ECHEVARRIA) SAMPUNG porsiyento ang ibinaba ng krimen sa buong bansa sa nakalipas na buwan ng Mayo kung ikukumpara sa parehong buwan nitong nakalipas na taon na resulta na pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga masasamang elemento. Sa tala ng (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management, nakapagtala lamang ng 38,284 na mga krimen nitong May 2019 na mas mababa sa 42,527 na nitala noong May 2018. Bumaba rin ng 22.6% ang mga index crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnappingat cattle rustling mula sa 7,421 na mga kaso noong May 2018 kung ikukumpara sa 5,744 nitong May 2019 habang 7.31%…
Read More