DAPAT KASUHAN ANG MGA NARCO-POLS

SIDEBAR

Sa kabila ng kampanya ng Department of Interior and Local Government laban sa 46 lokal na opisyal na sinasabing narco-politicians, 27 sa 37 tumakbo para sa re-election at ibang posisyon ang nanalo sa halalang Mayo 13. Sa 27 na narco-pols na nanalo, 18 ay binoto muli sa parehong posisyon samantalang walong incumbent mayor at vice mayor ang nanalo sa ibang posisyon dahil sa term limit na itinatadhana sa ating Saligang Batas. Kabilang sa mga nanalong narco-pols ay 18 mayor, tatlong vice mayor, dalawang kongresista, isang vice governor, isang provincial board…

Read More

HINGGIL SA MGA BOBONG MASA AT PAINTELEKTWAL NA BOTANTE

SIDEBAR

Nakakalungkot basahin ang mga naglalabasang komentaryo sa social media kung saan binabansagang mga “bobo” at “idiots” ang mga masa na bumoto sa mga kandidato ng administrasyon samantalang ang mga maka-Otso Deretso ay mga matatalino at intelektwal na botante. Humantong na rin sa punto na kailangang i-bash, kutyain at insultuhin ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na isang indikasyon na masyadong emosyonal ang mga maka-oposisyon dahil hindi nila lubusang naiintindihan ang dinamismo ng electoral politics sa ating bansa. Isa sa pinakamatindi umanong insulto at pag-aalipusta ang nagbabalik-Senadong si Bong…

Read More

MALAS PA RIN ANG NUMERO 13 KAY ERAP

SIDEBAR

Ika-13 na pangulo ng Republika si President Joseph Ejercito “Erap” Estrada at sinasabing malas ang numero 13 sa kanya kung kaya siya ang kauna-unahang pangulo na na-impeach ng Mababang Kapulungan noong taong 2000. Hindi natapos ang kanyang impeachment trial dahil sa gitna ng napipintong acquittal ni Pangulong Erap ay naganap ang EDSA 2 na siyang nagpabagsak sa kanyang administrasyon at pinalitan ng gobyerno ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Nitong nakaraang Mayo 13 ay muling minalas si President-Mayor Erap dahil base sa resulta ng bilangan ng boto sa Maynila ay malaki ang…

Read More

NAPIPINTONG SELF-DESTRUCTION NI ADVINCULA ALYAS BIKOY

SIDEBAR

Kung matutuloy ang Se­nate inquiry bukas, araw ng Biyernes, hinggil sa mga alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, inaasahang malalantad ang mga kasinu­ngalingan na ikinakalat ni Bikoy laban sa ilang mga personalidad. Committee on Public Order and Illegal Drugs na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson ang magsasagawa ng imbestigasyon kay Bikoy pero ngayon pa lang ay sinasabi na ng senador na tuluyang mahuhubaran ang sinasabing whistleblower base na rin sa ibinigay nitong sworn statement kay Senate President Tito Sotto noong 2016. Sinabi ni Lacson na Di­syembre 2016 unang naki­pag-ugnayan…

Read More

VOTE BUYING

SIDEBAR

Ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ang pamimili ng boto ng mga kandidato o mga taga-suporta nito pero sa kabila ng pagiging ilegal ng vote buying ay palasak pa rin ito tuwing panahon ng eleksyon. Diskwalipikasyon ng kandidato ang pinakamabigat na parusa sa vote buying pero i­lang eleksyon at presidente na ang nagdaan ay wala ni isang kandidato ang nadiskwalipika o natanggal sa puwesto dahil sa pamimili ng boto. Mismong ang Commission on Elections ay aminado na kahit may mahuling umano’y mga namimili ng boto ay mahirap itong mapatunayan kung walang…

Read More

140 PORSYENTONG DAGDAG SA MINIMUM WAGE

SIDEBAR

Nitong nakaraang Lunes, o dalawang araw bago ang selebras­yon ng Araw ng Paggawa, naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyon sa National Capital Region (NCR) wage board na humihingi ng karagdagang P710 sa minimum na arawang sahod na nagkakahalaga ng P537. Ito na marahil ang pinakamalaking dagdag-sahod na hiniling ng TUCP at maski ng ibang grupong obrero. Ibig sabihin ay magiging P1,247 ang daily minimum wage ng mga ordinaryong empleyado sakaling aprubahan ng NCR wage board ang panukala ng TUCP na itinuturing na pinakamalaking grupo ng…

Read More

PALAGING PERSONAL ANG POLITIKA 

SIDEBAR

May kasabihan sa larangan ng politika na “politics is always local” na ang ibig sabihin ay mas mahalaga para sa mga politiko sa nasyunal ang lokal na posisyon dahil ito ang nagsisilbing base o balwarte nila sa magulong mundo ng politika. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay matagal nang lokal na opisyal bilang mayor, vice mayor at kongresista ng Davao City na naging tuntungan niya para maging presidente ng Republika. Pero bagama’t pala­ging lokal mag-isip ang mga politiko, hindi maikakaila na palaging personal din ang politika na ang ibig sabihin…

Read More

GIYERA SA BASURA NG CANADA

SIDEBAR

Mga taong 2013 at 2014 bumaha sa bansa ang mga container na naglalaman ng mga basura na galing sa Canada. “Recyclable scrap plastics” ang dekla­rasyon ng mga importer ng basura sa bill of lading na siyang isinusumite sa Bureau of Customs para sa kaukulang buwis kung mayroon man. Umabot sa 103 shipping containers na naglalaman ng basura mula sa Canada ang nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng Port of Subic at Port sa Manila at hanggang ngayon ay nakasalansan ang mga shipping containers habang naghihintay na maibalik sa bansang Canada.…

Read More

BAWAL NA ANG PROVINCIAL BUSES SA EDSA

SIDEBAR

Ilang administrasyon na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagdaan at palaging nagkakaroon ng patakaran na pagbabawal ng mga provincial buses na bumiyahe sa EDSA pero madalas na ningas cogon lang o sa simula lang ang ganitong polisiya at pagkatapos ay balik din sa dati. Lumalakas tuloy ang duda na malakas mag-lobby ang mga operator ng provincial buses kung saan ilang kilalang pulitiko sa Norte ang mga nagma-mayari ng mga malalaking terminal ng bus sa EDSA. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino, sinikap ipagbawal ang mga provincial…

Read More