Tatalakayin ni PBBM sa UNGA ECONOMIC RECOVERY, FOOD SECURITY

TATALAKAYIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang minimithi ng kanyang administrasyon para sa economic recovery, food security, at agricultural productivity sa idaraos na 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA).

Sa kanyang departure speech bago lumipad patungong New York, alas-8:00 ng Linggo ng umaga, sinabi ng Pangulo na ihahayag niya ang national statement sa Setyembre 20, kung saan inaasahan na babalangkasin niya ang ekspektasyon o inaasahan ng Pilipinas mula sa UN at magiging tungkulin ng bansa at magiging ambag nito para palakasin ang international relations.

“The UN is where countries of the world congregate to discuss the most pressing challenges facing our people. Thus, it is important for us to participate in the General Assembly and to make certain that our voice is heard,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa niya na ibabahagi niya ang vision ng Pilipinas sa people-centered development” sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa “government’s thrust for economic recovery, food security, and agricultural productivity; and reaffirm the country’s commitment to the ideals of the UN by citing its contributions to peaceful sentiments of disputes and of international law.”

“Thirdly, present the crisis facing our world as opportunities for our nation to take meaningful actions rooted and united by a common purpose—to promote peace, prosperity and sustainable development,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos, sa panahon ng kanyang pagbyahe, dadalo siya sa ilang bilateral meetings, business engagements, at makikipagkita sa Filipino community sa Estados Unidos. (CHRISTIAN DALE)

236

Related posts

Leave a Comment