Tauhan ni Speaker Dy na si Romer mas Mataas pa ang Tinatanggap kaysa mga Kongresman?

Balitang ‘di Kanais-Nais ni CESAR BARQUILLA

KUNG ang mga elected congressman tulad ng Party-list representatives ay nakatatanggap ng mahigit sa P300K kabuuang sahod kada buwan, ay tila kakarampot lang ito sa tinatanggap ng isang umano’y tauhan ni House Speaker Bojie Dy na si alias “Romer” na tumataginting na P800K kada buwan, wow na wow, saan naman kaya ito dinadala?

Pero bago natin talakayin, mga Ka-Balitang ‘di Kanais-Nais, itong si alias “Romer”, ay nais nating batiin ng Congratulations! itong tatay ng mga kongresista riyan sa House of Representatives na si Speaker Bojie Dy, dahil sa maayos na pamamalakad sa Mababang kapulungan, ‘yung tipong nagkakasundo-sundo ang mga mambabatas.

Marami kasi ang nagtatanong kung ano ba talaga ang puwesto nitong si alias “Romer” sa bakuran ni Speaker Dy, dahil malakas ang bulong-bulungan na tumatanggap daw ito ng P800K kada buwan mula sa Office of the House Speaker.

Ayon sa source ng Balitang ‘di Kanais-Nais, ibinibigay ang halagang P800K kay Romer, na umano’y nagmumula sa kaban ni Speaker Dy, bago matapos ang buwan at nitong bago mag-Mahal na Araw, March 28, ay hawak na nito ang tumataginting na salapi… ‘di lang natin malaman kung kani-kanino ito ipinamumudmod?

Si Speaker Dy, mga Ka-Balitang ‘di Kanais-Nais, ay halos 6 na buwan nang nanunungkulan bilang pinakamataas sa mga kongresista kung kaya’t itong si alias “Romer” ay mayroon nang nahawakang tumataginting na P4.8 million dahil 6 x 800K, kayo na po ang mag-compute ng total na halaga.

Sa totoo lang, mainit na mainit ang usaping confidential funds na naging mitsa ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte, kung kaya’t mas mabuti sigurong imbestigahan din ang tinatanggap na P800K monthly nitong si alias “Romer”, na umano’y galing sa tanggapan ni Speaker Dy. Ito ba ay galing sa confidential funds o baka naman mula sa personal money ni Manong Bojie? Nagtatanong lang po.

Sakaling ito ay totoo, ang P800K monthly na tinatanggap ni alias “Romer” ay suntok sa mukha ng mga congressman, dahil ang sahod ng mga ito ay hindi aabot ng P400K kada buwan. Paki-pakialaman mo, Rep. Toby Tiangco. Paki-imbestigahan mo na rin itong si alias “Romer”.

Kung hindi naman kaya ng mga kongresman na maimbestigahan itong si alias “Romer” na sinasabing bagyo sa lakas kay Speaker Dy, siguro naman ay hindi ito palalampasin ng mga Congress reporter at ito ay kanilang bibigyang pansin para lumabas ang katotohanan hinggil sa P800K monthly, na baka kayo na mga House media ang benepisyaryo ng nasabing halaga

Bigyan natin ng kunting linaw ang pagkatao nitong si alias “Romer” bago natin hamunin at tanungin ang tanggapan ni Speaker Dy. Dati itong media handler ni dating Senate President Migz Zubiri at ang naging dahilan kung bakit sinibak ito ay dahil sa babae. ‘Yun lang muna, mga Ka-Balitang ‘di Kanais-Nais.

Speaker Dy Sir, marami ang nagtatanong kung gaano katotoo na may pinabibigay ka kay alias “Romer” na halagang P800K at ito ay para kanino o para sa personal nitong pangangailangan, kung ito ay true ay daig pa nito ang sweldo ni PBBM?

Speaker Dy Sir, ang alam ng mga mamamahayag diyan sa House of Representatives, ay ang Media Relations Officer mo ay si Renz Bernardo at bakit itong si alias “Romer” daw ang umaaktong MRO?

Para tuloy gustong tanungin ng mga Ka-Balitang ‘di Kanais-Nais, itong si GBB kung sino ba talaga itong si Romer?

Muli Speaker Bojie Dy Sir, kung hindi mo bibigyang linaw ang usaping P800K monthly ni alias “Romer” ay posibleng may basbas ka rito?

75

Related posts

Leave a Comment