NAGSAGAWA ng patrol operations at inspeksyon sa mga drainage canal ang Lopez Municipal Police Station bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra krimen sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa pulisya, layunin ng hakbang na ito na mapigilan ang mga insidente ng pagnanakaw, partikular ang umano’y modus operandi ng tinatawag na “Termite Gang” na sinasabing gumagamit ng mga drainage system bilang daanan upang makapasok sa mga bangko, pawnshop, at iba pang mga establisyemento.
Sinabi ng Lopez PNP, patuloy ang kanilang pagbabantay upang mapanatili ang seguridad sa lugar at maprotektahan ang mga negosyo at komunidad.
Hinikayat din ng pulisya ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad i-report sa mga awtoridad ang anomang kahina-hinalang mga aktibidad.
(NILOU DEL CARMEN)
78 