PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH) ang selebrasyon ng World Immunization Week 2026 sa San Juan Theater bilang bahagi ng pagpapalakas ng pagbabakuna sa bansa.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang saklaw ng National Immunization Program upang maprotektahan ang mga batang Pilipino laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Kabilang sa mga isinagawa ang ceremonial vaccination at interactive booths, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng bakuna lalo na para sa mga batang edad 0 hanggang 23 buwan.
Bahagi ito ng kampanya ng World Health Organization sa ilalim ng Immunization Agenda 2030 na nagsusulong ng mas malawak na access sa bakuna sa buong mundo.
Ngayong taon, tampok ang temang “For Every Generation, Vaccines Work,” kasama ang lokal na panawagang “Bakuna at Proteksyon ni Baby, My Responsibility.”
(JULIET PACOT)
62 