MGA KOMUNIDAD BANTAY-SARADO KONTRA REBEL RECRUITMENT

PINAIGTING ng Philippine National Police ang pagbabantay sa mga komunidad sa buong bansa upang mapigilan ang umano’y panibagong taktika ng mga rebeldeng grupo sa panghihikayat ng miyembro.

Ito ay kasunod ng naganap na engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit na mino-monitor ng pulisya ang galaw ng mga rebelde, lalo na sa mga sektor na itinuturing na vulnerable.

Matatandaang 19 na miyembro ng New People’s Army, kabilang ang dalawang Fil-Am, ang nasawi sa naturang engkuwentro.

Inatasan din ni Nartatez ang mga yunit ng pulisya sa Negros Island Region na palakasin ang presensya sa mga lugar na may mataas na banta ng seguridad.

(TOTO NABAJA)

66

Related posts

Leave a Comment