LOKASYON NI ZALDY CO TUTUKUYIN SA CZECH TALKS — DOJ

AALAMIN ni Justice Secretary Fredderick Vida ngayong Lunes, Abril 27, ang eksaktong kinaroroonan ng dating kongresista na si Zaldy Co.

Sa panayam sa media, sinabi ni Vida na itutuloy niya ang nakatakdang pulong sa kanyang counterpart mula sa Czech Republic upang makakuha ng karagdagang impormasyon.

“The actual fact kung saan siya naroon, I will get more information by tomorrow,” ani Vida, na inaasahang makakakuha ng detalye matapos ang kanilang meeting “after lunch.”

Dagdag pa ng kalihim, marami pang kailangang linawin at i-validate na impormasyon kaugnay sa kaso.

Ayon kay Vida, nagsagawa na ng validation ang team ng Department of Justice noong Abril 25, ngunit tumanggi muna siyang magbigay ng iba pang detalye habang nagpapatuloy ang pangangalap ng “workable intel.”

“This is tracking kung ano ang nangyari. Mas nililinaw natin ang detalye at datos kung paano ito nangyari—kung paano umabot sa atin ang balita na namataan, nakita, at na-accost si dating kongresista Zaldy Co sa Czech Republic,” dagdag niya.

(CHRISTIAN DALE)

62

Related posts

Leave a Comment