PUNA ni JOEL O. AMONGO
SA interview ni Arnold Clavio ng GMA 7, kay Atty. Peter Paul Danao, nagsampa ng kaso sa korte si Atty. Manases Carpio, asawa ni Vice President Inday Sara Duterte, laban kina House Committee on Justice chairperson Rep. Gerville Luistro, Rep. Perci Cendana, Rep. Chel Diokno at Rep. Leila De Lima.
Bukod dito, kasama rin sa kinasuhan sina Eli Remolona, Jr., Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Ronel Buenaventura, executive director ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ayon sa panayam, sinabi ni Atty. Danao na ang kanilang isinampang kaso ay dahil sa umano’y pagsasapubliko ng bank accounts ni Atty. Carpio sa hearing ng impeachment complaint kay VP Sara Duterte.
Binanggit pa ng abogado na nasa batas po na Republic Act 9160 na inamyendahan sa Republic Act 11521, na bawal maglahad “in any manner” o sa kahit anong paraan, ang AMLC sa nakalap nilang bank
transactions.
Sinabi naman nina Rep. Leila De Lima at Rep. Perci Cendana na walang nilabag na batas ang Justice Committee ng Kamara dahil bahagi ito ng impeachment proceedings.
Iginiit naman ni Atty. Danao na kung pagbabasehan ang batas na RA 9160 at 11521, ay walang exemption.
Aniya, kung wala namang exemption, so hindi pwede kasi absolute ang prohibition “in any manner” ayon sa itinatadhana ng batas.
So walang exemption, walang absolute prohibition, hindi dapat ipakalat, in fact sa batas mismo sa Section 14, pati ang media ay hindi pwedeng mag-ulat ng bank transaction reports.
Hindi rin maituturing na korte ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maaaring mag-utos sa AMLC na ilabas nila ang bank transaction reports ng bangko ni Atty. Carpio.
Hindi rin naman politiko si Atty. Carpio, siya ay isang pribadong tao, nagkataon lamang na asawa niya si VP Sara Duterte.
Sinabi naman ni Rep. De Lima, ang kanilang ipina-subpoena ay ang kahina-hinala lamang at hindi mismo ang bank accounts.
Sinagot naman ito ni Atty. Danao na sa batas mismo, sinasabi na any transaction report ng bangko na ilalabas ng ALMC ay ipinagbabawal
Nauna na itong kinuwestiyon ng ilang legal experts, at nanggaling na mismo kay Rep. Luistro na ang kanilang ginagawa ay mini-trial.
Ayon pa sa kanila, sinasapawan na ng House Committee on Justice ng Kamara ang papel ng Senado bilang mga hukom na dapat sila ang magsasagawa ng pagdinig sa impeachment complaint kay VP Sara Duterte.
Kaya sinasabi nila na ang ginagawa ng House Committee on Justice ay “fishing expedition”, naghahanap sila ng isda para makahanap sila ng matibay na ebidensiya sa impeachment laban kay VP Sara.
Lumalabas na nagmumukhang ang House Committee on Justice ang nagiging complainant sa impeachment laban kay VP Sara, dahil sila na ang naghahanap ng ebidensiya sa impeachment sa pangalawang pangulo.
Pinuna rin ng ilang legal expert na magkaiba ang pagtrato ng House Committee on Justice sa impeachment complaint kay BBM na agad nilang dinismis, samantalang kay VP Sara Duterte ay ang Kamara na ang naghahanap ng ebidensiya sa pamamagitan ng paggamit nila ng kanilang “subpoena power.”
Bakit hindi na lang nila labanan nang patas si VP Sara Duterte sa 2028 Presidential election?
Wala kasi silang pantapat na malakas na kandidato laban kay VP Sara Duterte.
Sinabi naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco na hindi kayang aregluhin si VP Sara Duterte, kaya takot silang maging presidente ito.
Mananagot ang mga kurakot kasama na ang mga kongresista na naghahanap ng ebidensiya laban VP Sara Duterte.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com.
90 