NAGSIMULA na ang pamamahagi ng buwanang cash assistance ng Manila Police District – Moriones Police Station sa ilang mag-aaral ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Manila nitong Lunes.
May 35 piling mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade Vl ang benepisyaryo ng P500.00 cash assistance.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Harry Lorenzo lll, Station Commander, sinimulan nila ang pamamahagi bandang 10:00 ng umaga sa tanggapan ni Mrs. Eleodora Vergara, Punong Guro ng nasabing paaralan.
Katuwang sa pamamahagi ng cash sina Edwin Fan at Jarold Go ng Manila Chinese Action Team (MCAT). Naroon din sina Police Major Joseph Jimenez, PCP Commander ng Asuncion, PMaj. Edwin Malabanan ng Bambang Outpost, Police Captain Allan Rosca at Ponciano “Rocky” Bautista ng Station Advisory Group.
Sumaksi rin sa event ang grupo ng Divisoria Rider’s Club na pinangunahan ni Fidel Zapanta. Gayundin ang mga tauhan ni Lorenzo sa Station Community Affairs Development Section (SCADS).
Bukod sa nasabing programa, tumutugon din ang Moriones PS alinsunod sa direktiba ni MPD-Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa SAFE program ni NCRPO Chief Police BGeneral Jonnel Estomo. (RENE CRISOSTOMO)
