TOTAL BROWNOUT NAGBABADYA SA MINDANAO!

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

NAMIMILIGRONG magkaroon ng total blackout sa malaking ­bahagi ng Mindanao dahil sa utang.

Ayon kay Basilan Representative MUJIV HATAMAN, ito ay kapag nabigo ang NATIONAL POWER CORPORATION (NAPOCOR) na mabayaran ang umabot sa dalawang bilyong pisong utang nito sa PETRON CORPORATION na siyang nagsusuplay ng petrolyo para sa operasyon ng mga makina ng NAPOCOR sa MINDANAO.

Ayon naman kay Budget Secretary AMENAH ­PANGANDAMAN, nakipag-ugnayan na ang DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) sa Department of Energy para makapagpalabas ng pondo para sa naturang problema.

***

CHED BUMIGAY

Papayagan nang umatend nang face-to-face classes ang mga estudyante, teaching at non-teaching personnel sa kolehiyo kahit hindi bakunado ng pangontra sa COVID-19.

‘Yan ay matapos na payagan ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang pag-aalis sa requirements ng COVID-19 vaccination upang makadalo sa in person classes.

Kaugnay dito, ipinauubaya na ni Chairman De Vera sa mga ­institution kung ibabalik ng mga ito ang full face-to-face classes o ­magkaroon muna ng blended learning.

***
PASANG-KRUS NG MGA
MANANAKAY NAKAAMBA

Kinumpirma ni LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) CHAIRPERSON CHELOY ­GARAFIL na posibleng kanilang aprubahan ang taas-pamasaheng petisyon sa mga pampublikong jeepney.

Ayon kay Chairman Garafil, ngayong darating na linggo ay ­kanilang dedesisyunan ang nakahaing petisyon para sa fare increase na mula sa tatlong piso hanggang apat na piso.

Paliwanag ni Atty. Garafil, posibleng aprubahan nila ang petisyon sa pagtaas ng pamasahe sa jeepney, ito’y sa gitna pa rin nang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong Petrolyo.

***

PAGTAWAG NG EKSPERTO NA OVERACTING
ANG MUNGKAHING LOCKDOWN DAHIL
SA KASO NG MONKEYPOX, KINAINISAN

Hindi nagustuhan ng publiko ang pagturan ni Infectious Disease Expert DR. RONTGENE SOLANTE, na over-acting ang panukalang lockdown dahil sa pagpasok ng monkeypox sa bansa.

Sa halip umanong ganoon ang mga katagang binitiwan ni Solante dapat ay assurance ang bitiwan nitong kataga na walang dapat ­ipangamba ang publiko dahil hindi naman ganoon ka-delikado ang monkeypox at kaya nilang kontrolin ito.

At ang panukalang lockdown ay hindi kailangan dahil hindi naman ganoon kalala ang kaso ng monkeypox para magkaroon ng ­kapanatagan ang mamamayang Pilipino, at hindi ‘yung salitang “over-acting”.

260

Related posts

Leave a Comment