LALAKI PINASOK SA BAHAY, PINATAY

0

LAGUNA – Patay ang isang lalaki makaraang pasukin sa bahay at pinagbabaril habang kumakain sa Brgy. Parian, Calamba City sa lalawigang ito.

Tinadtad ng bala ang biktimang si Arnulfo San Jose Tantay, residente sa #98 Purok 7, Sitio Ilaya, Brgy. Parian,Calamba City.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may kumatok sa pintuan ng bahay ng biktima bandang alas-1130 ng gabi habang kumakain ito.

Pagkaraan ay biglang pumasok ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi nabatid na direksyon. (CYRIL QUILO)

Read More

SUNDALO, OPISYAL HULI SA GUN SMUGGLING

0

INIHAYAG kahapon ni Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hindi nila kukunsintihin at magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon sa pagkakasangkot ng isang military officer at isang sundalo sa gun smuggling.

“We do not tolerate any illegal activity perpetrated by anyone from the organization. They are the stains that should be removed to maintain the clean reputation of the Armed Forces of the Philippines,” ani Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.

“Nevertheless, the AFP will still conduct our investigation and observe due process. Once proven guilty, the two will subsequently be discharged from the regular service of the Armed Forces of the Philippines and will face the appropriate charges under the rule of law,” pahayag pa Lt. Gen. Vinluan, Jr. kaugnay sa dalawang tauhan ng ARESCOM na nahuli sa entrapment operation.

Kinilala ang mga nadakip na sina Captain Christopher Galvez Eslava, 41, ng Cabilao, Makilala, North Cotabato, at Corporal Ryan Laure Larot, 35, residente sa Purok Gemelina, Barangay Banali, Pagadian City.

Ang dalawa ay nadakip sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP sa Purok Gemelina, Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay Province bandang alas-12:15 ng madaling araw, kaugnay sa kanilang gun smuggling activities.

Nakumpiska sa posisyon ng dalawang sundalo ang isang caliber 5.56 M4 Colt carbine, isang Daniel Defense 5.56mm M4, isang cal. 5.56M4, TRIARC System, dalawang Glock19 9mm pistol, isang rifle grenade, tatlong 40mm grenade, anim na M16 magazines, tatlong cal. .40 magazines at P1.2 million boodle money.

Siniguro naman ni Vinluan ang due proces para sa dalawang nahuling sundalo na kasalukuyang nakakulong sa Ipil Municipal Police Station. (JESSE KABEL)

Read More

Publiko hinimok ng Palasyo MANATILI SA BAHAY SA HOLY WEEK

0

HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Pilipino na gawin ang tradisyunal na pag-obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.

Aniya, malaking bagay ito lalo pa’t sinisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga nadaragdag na kaso ng COVID-19.

Kaya ang hiling ni Sec. Roque sa publiko ay huwag na lang munang lumabas bilang pakikiisa na rin sa nakagawiang paggunita ng Holy week na siya naman aniya talagang paraan ng pag-oobserba sa nabanggit na okasyon.

“So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumalabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin nang mapababa natin ang numero,” aniya pa rin.

Samantala, inaasahan naman ng Malakanyang na 25 percent ang matatapyas sa daily recorded COVID cases ngayong ipinatutupad ang mas mahigpit na hakbang sa mga nagsisipag- labasan at makatutulong aniya ang ilang araw na kuwaresma kung i-oobserba lang ang nakaugaliang pag-alaala rito.

“Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan,” anito. (CHRISTIAN DALE)

Read More

8 NPA NAPATAY SA ENCOUNTER

0

NEGROS ORIENTAL – Walong kasapi ng komunistang New People’s Army, ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippine, ang napatay sa inilunsad na AFP-PNP counter terrorist operation noong Miyerkoles ng hapon sa Sitio Agit, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, sa lalawigang ito.

Ayon kay Colonel Michael Samson, Acting303rd Infantry Brigade commander, ng Philippine Army, bukod sa walong CPP-NPA cadre na kanilang napatay, nakarekober din sila ng 11 high powered firearms sa encounter sites.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Philippine Army commanding general, Lt. Gen. Jose C. Faustino Jr., tumagal ng tatlong oras ang engkwentro laban sa tinatayang mahigit 40 rebeldeng NPA.

Bukod sa walong bangkay na hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan, narekober din sa encounter site ang anim na M16 armalite rifles, dalawang M14 rifles, isang M4 rifle, isang M60 light machinegun at isang KG9 9mm machine pistol. (JESSE KABEL)

Read More

2 ABU SAYYAF PATAY SA MILITARY OPERATION

0

TAWI-TAWI – Napatay ng militar ang dalawang nalalabing miyembro ng Abu Sayyaf Group na nagbabanatay at maghahatid sana sa apat na Indonesian kidnap for ransom victim sa Tawi-Tawi nang makasagupa nila ang mga elemento ng AFP Joint Task Force noong Martes sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hindi tinantanan ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang pagtugis sa dalawang tauhan ng napatay na si ASG sub-leader Apo Mike, na tumakas sa isinagawang rescue operation ng Philippine Marines 6 Marine Battalion Landing Team.

Sinasabing ang grupo ni Apo Mike ang responsable sa serye ng KFR incidents sa area ng Zambasulta, kabilang na ang pagdukot sa isang Swiss at Dutch nationals, Sipadan KFR, pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s witness kung saan dalawa rito ang pinugutan ng ulo.

“Based on the report, the troops of JTF Tawi-Tawi received information of the enemy sightings still in Barangay Kalupag Island, Languyan, Tawi-Tawi so a pursuit operation headed by Col. Nestor Narag, Jr., Deputy Commander of the 2nd Marine Brigade, was immediately conducted,” ani Lt. Gen. Vinluan, Jr.

Ayon sa salaysay ni Col. Narag, Jr. habang dahan-dahan nilang nilalapitan ang kinaroroonan ng mga bandido ay sinalubong agad sila ng sunod sunod na putok.

“While we were moving towards their location, they open fired so we retaliated. A short encounter ensued which resulted in the instantaneous death of the two Abu Sayyaf/Kidnap-for-Ransom Group members know by their aliases as Long and Darus”.

Nakuha sa clash site, ang bangkay ng dalawang ASG members at isang M16 Armalite rifle.

Magugunitang hindi tinantanan ni Col. Nara gang grupo ni Apo Mike kasunod ng pagkakasagip sa naunang tatlong Indonesian kidnap victims at pagkakadakip sa dalawang ASG members na target ng napakaraming warrant of arrest kaugnay sa serye ng kidnap for ransom operation ng ASG.

Noong Sabado ng gabi, mapatay ng pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP si Apo Mike, ang kinikilalang pinuno ng grupo.

Sa isinagawang hot pursuit operation, nasagip naman ang isang 15-anyos na Indonesian national na siyang nalalabing bihag ng ASG sa area, noong Linggo ng umaga.

“We intensified our focused military operations and intelligence monitoring to track down these two hence their neutralization,” ani Brig. Gen. Arturo Rojas, commander ng JTF Tawi-Tawi.

“This is by far, one of the most fulfilling accomplishments that I attained in my years of service as a military officer, and I would like to share this victory to the men and women of JTF Tawi-Tawi and the peace-loving people of this province,” dagdag pa ni Brig. Gen. Rojas.

Pinapurihan naman ni Lt. Gen. Vinluan, Jr. ang mga tauhan ng JTF Tawi-Tawi sa matagumpay na pagsagip sa apat na nalalabing hostages at pagkapatay kay Apo Mike at mga tauhan nito.

Noong Miyerkoles ng hapon, ibinigay na sa pangangalaga ng Indonesian government ang apat na kidnap victims na dinukot sa karagatan na sakop ng Malaysia. (JESSE KABEL)

Read More

Demokrasya buhay na buhay sa termino ni Duterte GIMIK NG GRUPO NI CARPIO, SABLAY

0

(NELSON S. BADILLA)

BAGONG tatag pa lamang ang 1Sambayan sa pangunguna ng magpinsang Antonio Carpio at Conchita Carpio-Morales, ngunit hinambalos na ito ng isang samahan ng kabataan dahil hindi anila totoong ipaglalaban nito ang interes at karaingan ng masang Pilipino.

Ayon sa Samahan ng Progresibong Kabataan (Spark), ang itinatag nina Carpio at Morales na 1Sambayan ay organisasyong kumakatawan sa “personality politics”.

Sina Carpio at Morales ay dating mga mahistrado sa Korte Suprema.

Iniwan ni Morales ang mataas na korte noong 2011 at pumayag maging ombudsman sa termino ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III noong Hulyo 28, 2011 hanggang sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 26, 2018.

Labis na naniniwala ang Spark na kailangan nang magapi ang puwersa ni Pangulong Duterte sa eleksyong 2022 kung saan tinumbok ng naturang grupo na “Tanging sa pagkakaisa para sa sama-samang pagkilos lamang mapapanday ang daan tungo sa pagbabago”.

Ibig sabihin, ayaw ng Spark na magwagi sa halalan ang sinomang pipiliin ni Duterte na papalit sa kanya, kabilang ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio at ang beteranong ‘alalay’ na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Ang pagsulpot ng inisyatibang 1Sambayan para labanan ang rehimen sa pamamagitan ng paparating na #Halalan2022, ay maituturing na isang positibong indikasyon na pagod na ang mga Pilipino sa sukdulang pagpapahirap ng gobyerno na naghahangad ng pagbabago”, saad ng Spark.

“Ngunit ang ibinibida ng koalisyon ay ang mga personalidad gaya nila [Bise Presidente Maria Leonor] “Leni” Robredo, [Senadora] Nancy Binay, [Senadora Mary ] Grace Poe, [Manila Mayor] Isko Moreno at [dating Senador Antonio] “Sonny” Trillanes [IV] para sa posisyong presidente at bise presidente para sa paparating na eleksyon”, patuloy ng Spark.

Binigwasan ng Spark ang inalok ng magpinsang Carpio na mga politiko, sa halip na ilagay sa unahan ang masang Pilipino.

Naniniwala ang Spark na walang katuturan ang 1Sambayan dahil mga sagad-saring politiko rin ang mga ito, lalo na sina Robredo, Trillanes at Binay.

Hindi binatikos nina Robredo, Trillanes at Binay ang administrasyon ni Aquino mula 2010 hanggang 2016 na kitang-kita ang talamak na korapsiyon, pandarambong, patayan at paglabag sa karapatang pantao ng maraming Pilipino.

Silang tatlo ay namayagpag at nagmistulang ‘hari’ at mga ‘reyna’ noong si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

Nabalita sa media noon na ang bayaw ni Robredo ay inakusahang drug lord.

Ang tatay ni Binay na si dating Bise Presidente Jejomar Binay ay idiniin naman sa malawakang korapsyon at pandarambong habang alkalde pa noon sa lungsod ng Makati.

Si Trillanes naman ay numero unong tagapagtanggol ni Aquino sa halos lahat ng bagay.

Binigyan ni Aquino ng amnestiya si Trillanes matapos itong ipakulong ni dating Pangulong Gloria Macapagal Aquino dahil sa tangkang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

Kahit bantay-sarado sina Robredo, Trillanes at Binay mula noong 2010 hanggang 2016, napakatindi ng korapsyon at pandarambong sa mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan.

Katunayan, tatlong senador ang kinasuhan at nakulong hinggil sa mahigit P10 bilyong nadugas na pera ng pamahalaan.

Hindi rin maipagkakailangang malaganap ang patayan, laban sa mga aktibista at pinaghihinalaang kadre ng Communist Party of the Philippines (CPP) at mga gerilya ng New People’s Army (NPA).
Marami ring journalist ang pinagpapatay.

Maliwanag sa mga progresibo at makakaliwang organisasyon tulad ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Gabriela, Bayan Muna, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno (KMU), Ibon Foundation, Kabataan, ACT, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Karapatan at iba pa na notoryus ang administrasyon ni Aquino sa patayan, paglabag sa karapatang pantao, korapsyon at pandarambong.

Binatikos nila nang paulit-ulit ang rehimeng Aquino at ang Liberal Party (LP).

Natapos ang termino ni Aquino noong 2016, ngunit hindi nanagot si Aquino at kanyang katropa sa LP hinggil sa mga naganap, batayan na walang katarungan sa panahon ni Aquino kung saan naghari nang husto ang kasalukuyang oposisyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit, todo-suporta ng mga kaliwang organisasyon ang 1Sambayan.

Isa si Atty. Neri Colmenares, pinuno ng Bayan Muna, sa mga convenor ng 1Sambayan.

Kung binanatan ng mga pasimuno ng 1Sambayan ang patayan at paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon ni Duterte upang idiin sa publiko na ‘patay’ ang demokrasya sa bansa ay pagbasura ito sa resulta ng sarbey at pag-aaral ng Pew Research Center na napansin ang buhay na buhay na demokrasya sa Pilipinas.

Sa sarbey noong 2018 ng Pew, naitalang 80 porsiyento ng mga Pilipino ay naniniwalang umiiral ang “right of people to express their views in public are protected” sa bansa.

Pangatlo tayo mula sa Indonesia na 86 porsiyento ang iskor at The Netherlands na nakakuha ng 84%.

Sa 27 bansang kasali sa sarbey, dinaig pa ng Pilipinas ang Estados Unidos ng Amerika na 73% ang marka, Japan na mayroong 62% at United Kingdom na 67 porsiyento.

Nangangahulugang buhay na buhay ang demokrasya.

Ang pagkakaisa ng mga dilawan, pulahan at notoryus na mga talunang tradisyunal na politiko ay napakatibay na ebidensiyang kumikembot ang demokrasya laban sa sinasabing mapanupil na administrasyong Duterte.

Itinanong ng Spark na: “Kung busilak ang intensiyon ng koalisyon para sa hustisyang panlipunan at pagbabalik ng demokrasya, nasaan ang ordinaryong masa sa naratibong kanilang pinepresenta?”

“Hindi ba’t makatwiran lamang na ang masang anakpawis na bumubuhay sa lipunan na pinaka nakaranas ng hirap sa ilalim ng gobyernong Duterte ang dapat na nasa gitnang-gitna kapag pinag-uusapan ang pampulitikang pagbabago. Malinaw naman na sa lahat ng polisiya’t patakaran ay ang mahihirap ang pangunahing binibiktima ng rehimen, mula extrajudicial killings hanggang Rice Tariffication Law, mula lockdown hanggang Terror Law, mula Train Law hanggang pagsakop ng Tsina sa West Philippine Sea,” patuloy ng samahan.

Read More

P13.6-M SHABU NASABAT

0

LAGUNA – Arestado sa mga awtoridad ang isang notorious drug courier at nakumpiska ang P13.6 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa San Pedro, Laguna noong Martes ng gabi.

Sa report mula sa PNP Drug Enforcement Group kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang drug suspect na si Edgarfeel Balono Sakila, alyas “Kalbo,” 42, may asawa, driver, tubong Maguindanao.

Si Balono ay nadakip sa Phase 1A, Yakal Loop Extension corner Sugarberry St., Blk 3, Lot 19, Saint Joseph Village, San Pedro, Laguna, ng mga elemento ng SOU 3, PDEG, sa pangunguna ni P/Lt. Jonathan Sosongco; PDEA 4A, PIB Laguna PPO at San Pedro City Police Station.

Nakumpiska mula sa suspek, kilalang notorious drug courier sa area ng Region 3, NCR, 4A at Mindanao area, ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P13.6 milyon ang street value, isang sasakyang Honda City (AEA-9728), isang cellphone, at buy-bust money na P1.3 milyon ang halaga.

Nahuli rin ang kasabwat ng suspek na kinilalang si Michael Romualdez, isang bodegero sa Imus City, Cavite.

Napag-alaman, ang illegal drug supplies ng mga suspek ay mula umano sa isang Chinese National na nakikipag-ugnayan sa kanila gamit ang international number, na nakabase sa Hong Kong.

Napag-alaman din na ang illegal drug group ng suspek ay binubuo ng Filipino- Muslim at Chinese nationals, na nakabase sa Donya Soledad, Taguig City at AFP Village, Taguig City.

Ayon kay PNP OIC Eleazar, ang illegal drug transaction ng sindikato ay nadiskubre nang ang personnel ng PNPDEG SOU3 code named “AKA ED,” ay nakapasok sa drug syndicate, sa pamamagitan ng confidential informant. (JOEL O. AMONGO)

Read More

SENATE EMPLOYEES DAPAT NA RING MABAKUNAHAN

0

NANAWAGAN si Senate Majority Leader Migz Zubiri sa Inter-Agency Task Force na payagan na silang makabili ng kahit 5,000 doses ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.

Sa sesyon ng Senado, iginiit ni Zubiri na dapat mabigyan na rin ng bakuna ang kanilang mga empleyado na kailangang magtungo sa Senado para sa kanilang operasyon.

Nilinaw ni Zubiri na ang kanilang mga empleyado at hindi silang mga senador ang nais niyang bigyan ng paunang bakuna.
Pinuna rin ng senador ang impormasyon na ilang lokal na pamahalaan ang nagbabakuna na ng mga opisyal ng barangay kasama ang ilang volunteers.

“Today in the news before I left to drive here by myself, I found out that an actor is also vaccinated and he is defended by the mayor and said it was above board,” diin pa ni Zubiri.

Kinukuwestyon ni Zubiri ang patakaran sa vaccination program dahil nauuna pa ang mga barangay volunteer at aktor sa mga tauhan ng Senado at Kamara.

Nababahala ang senador na kung hindi pa mababakunahan ang mga staff ng Senado ay posibleng hindi rin makapagsagawa ng pagdinig at sesyon sa Mayo kung saan magsisimula na silang talakayin ang 2022 budget.

Kinumpirma naman ni Sotto na mananatiling lockdown ang Senado hanggang Abril 12 kasunod na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

SOLON: TRAFFICKING NG OFWs SUPILIN

0

BINIGYANG-DIIN ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa kung saan nagtatrabaho ang mga overseas Filipino worker (OFW) upang maiwasan na maging biktima sila ng mga sindikato ng human trafficking.

Ani Villanueva, chair ng Senate labor committee, sa bisa ng bilateral agreements, mapadadali ang paghahabol ng pamahalaan sa mga third-country recruiters, na nagdedeploy ng mga OFW sa mga delikadong lugar tulad ng Syria, na nasa ilalim ng total deployment ban simula pa noong 2011.

“Sa ilalim ng bilateral labor agreements, magkakaroon po ng sapat na proteksyon para sa ating mga kababayan laban sa mga sindikato ng human trafficking,” sinabi ni Villanueva sa pagdinig ng Senate Committee on Women sa mga kaso ng trafficking ng mga Pilipina sa Syria noong Martes.

“Ito pong third-country recruitment, na ating unang isiniwalat sa mga nakaraang pagdinig ng labor committee, ay balakid sa ating efforts laban sa illegal recruitment at human trafficking,” dagdag pa niya.

“Isang paraan po para solusyunan ito at palakasin ang koordinasyon sa mga ahensya ay ang pagbalangkas ng mga bilateral agreement,” aniya.

Ipinunto ni Villanueva ang malagim na kalagayan ng mga Pilipino sa Syria na nabiktima ng mga sindikato ng human trafficking. Ang iba sa kanila ay nasagip na at nasa kustodiya na ng Philippine Embassy sa Damascus. Nalaman din sa pagdinig ang kalagayan ng isang OFW na nasa piitan ngayon dahil kailangan niyang ma-“buy out” ang kanyang kontrata na nagkakahalaga ng US$5,000. (ESTONG REYES)

Read More