TAWI-TAWI – Napatay ng militar ang dalawang nalalabing miyembro ng Abu Sayyaf Group na nagbabanatay at maghahatid sana sa apat na Indonesian kidnap for ransom victim sa Tawi-Tawi nang makasagupa nila ang mga elemento ng AFP Joint Task Force noong Martes sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hindi tinantanan ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang pagtugis sa dalawang tauhan ng napatay na si ASG sub-leader Apo Mike, na tumakas sa isinagawang rescue operation ng Philippine Marines 6 Marine Battalion Landing Team.
Sinasabing ang grupo ni Apo Mike ang responsable sa serye ng KFR incidents sa area ng Zambasulta, kabilang na ang pagdukot sa isang Swiss at Dutch nationals, Sipadan KFR, pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s witness kung saan dalawa rito ang pinugutan ng ulo.
“Based on the report, the troops of JTF Tawi-Tawi received information of the enemy sightings still in Barangay Kalupag Island, Languyan, Tawi-Tawi so a pursuit operation headed by Col. Nestor Narag, Jr., Deputy Commander of the 2nd Marine Brigade, was immediately conducted,” ani Lt. Gen. Vinluan, Jr.
Ayon sa salaysay ni Col. Narag, Jr. habang dahan-dahan nilang nilalapitan ang kinaroroonan ng mga bandido ay sinalubong agad sila ng sunod sunod na putok.
“While we were moving towards their location, they open fired so we retaliated. A short encounter ensued which resulted in the instantaneous death of the two Abu Sayyaf/Kidnap-for-Ransom Group members know by their aliases as Long and Darus”.
Nakuha sa clash site, ang bangkay ng dalawang ASG members at isang M16 Armalite rifle.
Magugunitang hindi tinantanan ni Col. Nara gang grupo ni Apo Mike kasunod ng pagkakasagip sa naunang tatlong Indonesian kidnap victims at pagkakadakip sa dalawang ASG members na target ng napakaraming warrant of arrest kaugnay sa serye ng kidnap for ransom operation ng ASG.
Noong Sabado ng gabi, mapatay ng pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP si Apo Mike, ang kinikilalang pinuno ng grupo.
Sa isinagawang hot pursuit operation, nasagip naman ang isang 15-anyos na Indonesian national na siyang nalalabing bihag ng ASG sa area, noong Linggo ng umaga.
“We intensified our focused military operations and intelligence monitoring to track down these two hence their neutralization,” ani Brig. Gen. Arturo Rojas, commander ng JTF Tawi-Tawi.
“This is by far, one of the most fulfilling accomplishments that I attained in my years of service as a military officer, and I would like to share this victory to the men and women of JTF Tawi-Tawi and the peace-loving people of this province,” dagdag pa ni Brig. Gen. Rojas.
Pinapurihan naman ni Lt. Gen. Vinluan, Jr. ang mga tauhan ng JTF Tawi-Tawi sa matagumpay na pagsagip sa apat na nalalabing hostages at pagkapatay kay Apo Mike at mga tauhan nito.
Noong Miyerkoles ng hapon, ibinigay na sa pangangalaga ng Indonesian government ang apat na kidnap victims na dinukot sa karagatan na sakop ng Malaysia. (JESSE KABEL)
