P13.6-M SHABU NASABAT

LAGUNA – Arestado sa mga awtoridad ang isang notorious drug courier at nakumpiska ang P13.6 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa San Pedro, Laguna noong Martes ng gabi.

Sa report mula sa PNP Drug Enforcement Group kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang drug suspect na si Edgarfeel Balono Sakila, alyas “Kalbo,” 42, may asawa, driver, tubong Maguindanao.

Si Balono ay nadakip sa Phase 1A, Yakal Loop Extension corner Sugarberry St., Blk 3, Lot 19, Saint Joseph Village, San Pedro, Laguna, ng mga elemento ng SOU 3, PDEG, sa pangunguna ni P/Lt. Jonathan Sosongco; PDEA 4A, PIB Laguna PPO at San Pedro City Police Station.

Nakumpiska mula sa suspek, kilalang notorious drug courier sa area ng Region 3, NCR, 4A at Mindanao area, ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P13.6 milyon ang street value, isang sasakyang Honda City (AEA-9728), isang cellphone, at buy-bust money na P1.3 milyon ang halaga.

Nahuli rin ang kasabwat ng suspek na kinilalang si Michael Romualdez, isang bodegero sa Imus City, Cavite.

Napag-alaman, ang illegal drug supplies ng mga suspek ay mula umano sa isang Chinese National na nakikipag-ugnayan sa kanila gamit ang international number, na nakabase sa Hong Kong.

Napag-alaman din na ang illegal drug group ng suspek ay binubuo ng Filipino- Muslim at Chinese nationals, na nakabase sa Donya Soledad, Taguig City at AFP Village, Taguig City.

Ayon kay PNP OIC Eleazar, ang illegal drug transaction ng sindikato ay nadiskubre nang ang personnel ng PNPDEG SOU3 code named “AKA ED,” ay nakapasok sa drug syndicate, sa pamamagitan ng confidential informant. (JOEL O. AMONGO)

157

Related posts

Leave a Comment