HINDI maarok ng aking isip na walang Delta Variant sa China kung saan nagmula ang coronavirus disease – 2019 o COVID – 19. Ano sila, tanging bansa at lahi na pinagpala sa buong mundo? Nagsimula ang Delta Variant sa India na katabi lang ng China. Kumalat na rin ang Delta Variant sa iba’t ibang panig ng mundo at ito ang variant na kinatatakutan ng lahat dahil wala raw itong sintomas at mas delikado kaysa sa unang virus na unang kumalat sa Wuhan, China. Sa ating bansa, marami na ang nagkaroon…
Read MoreMonth: July 2021
REP. GUICO BINANATAN SI BG LAMBINO
INANUNSIYO kamakailan nina Representative Ramon Guico III at Bise – Gobernador Mark Lambino na tatakbo silang gobernador at bise – gobernador ng Pangasinan. Tinawag na AGUILA ang kanilang tambalan na ang kahulugan ay “Alyansa nina Guico at Lambino”. Pokaragat na ‘yan! Si Guico ay ang kinatawan ng ikalimang distrito ng Pangasinan, samantalang kasalukuyang bise-gobernador naman si Lambino. Nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang kandidatura, malinaw ang sinabi ni Guico na tatakbo siyang gobernador dahil kailangang magkaroon ng totoong pagbabago at pag-angat ang lalawigan. Idiniin niya na ang Pangasinan ay nagpag-iiwanan…
Read MoreTRAVEL RESTRICTIONS SA 10 BANSA EXTENDED
INAPRUBAHAN din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand. Sinuportahan naman aniya ng IATF sa meeting nito ang draft Joint Administrative Order hinggil sa Revised Standard Guidelines on the Strict Observance of Health Protocols in the Conduct of Licensure Examinations sa panahon ng Public…
Read MoreSENIORS ATUBILI PANG MAGPABAKUNA
PATULOY ang panawagan ng pamahalaan sa mga senior citizen na magpabakuna na. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID-19. “So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo,lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo,” ayon kay Sec. Roque. Tiniyak naman ni Sec. Roque na nananatiling may special lane…
Read MorePubliko maoobligang magpabakuna VACCINE CARD BAHAGI NG ‘NEW NORMAL’
POSIBLENG kailanganin na sa mga susunod na araw na makapagpakita ng vaccination card ang isang indibidwal para makalabas ng bahay. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na posibleng mangyari ito at maging bahagi na ng new normal. Sa katunayan, nagawa na aniya ito noong nagdaang SONA kaya’t ngayon pa lang ay dapat nang magbitbit ng print out ng vaccination card ang mga nakakumpleto na ng bakuna. “Noong SONA ay ni-require na po iyan. So, naisip ko nga na maski, kasi iyong aking print out ay online, so inisip ko nga…
Read MorePAGBASURA SA VFA BINAWI NG PALASYO
IPINALIWANAG ng Malakanyang na ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bawiin ang pagpapawalang-bisa sa Visiting Forces Agreement (VFA) ay base sa pinanindigang PH strategic core interests. “PRRD’s decision to recall the abrogation of VFA is based on upholding PH strategic core interests, the clear definition of PH-US alliance as one between sovereign equals, and clarity of US position on its obligations and commitments under Mutual Defense Treaty (MDT),” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “PH will, however, continue to engage other countries for partnerships that work, based…
Read MoreWALANG VIP SA ECQ – DOH
WALANG bibigyan ng espesyal na trato ang pamahalaan kahit mga indibidwal na ‘fully-vaccinated’ na dahil kabilang pa rin ang mga ito sa pagbabawalang lumabas sa oras na ipatupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa Agosto 6 hanggang 20. Ito ang pagtiyak ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Aniya, hindi mamimili ang pamahalaan sa mga hindi pa nababakunahan at bakunado na dahil tanging ‘authorized persons outside of their residence (APOR)’ ang papayagang makalabas sa panahon ng ECQ. “There will be no distinction between vaccinated…
Read MorePopondohan ng P283-M PAGTATAYO NG VIROLOGY INSTITUTE PASADO NA
PASADO na sa pinal na pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP). Ang VIP ay isa sa priority measures na ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) . Ayon sa may akda ng House Bill 9559 na si Quezon Rep. Angelina Helen Tan, layon ng panukala na makapagtayo ang Pilipinas ng isang virology research center. Binanggit pa ni Tan, chairman ng Senate Committee on Health, ang pagtatatag sa nasabing ahensya ay…
Read MoreDBM, DOH KINALAMPAG SA SAHOD NG NURSES
KINALAMPAG ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na ipatupad ang kautusan ng Malacanang na ibigay ang karagdagang basic salary pay ng mga government nurse. Ginawa ni Defensor ang pangangalampag matapos makarating sa kanyang kaalaman na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng mga nurse sa Quezon City ang dagdag na P3,000 sa kanilang sahod. Ayon sa mambabatas, naglabas ng memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea noong Hunyo 1, 2021 na baliktarin ang demotion ng mga nurses at ibigay ang…
Read More