Solons: Isang buwang konsumo isama sa ayuda sa consumers KURYENTE, TUBIG ILIBRE MUNA

NAIS ng isang grupo ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na huwag nang singilin ang isang buwang konsumo sa tubig at kuryente upang hindi mabaon sa utang ang mga tao.

Ito ay dahil sinuspendi lang ang paniningil sa bills sa kuryente at tubig ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.

Ayon kay Neri Colmenares, chairman ng Bayan Muna party-list, tiyak na lalaki ang bills ng consumers sa tubig at kuryente pagkatapos ng ECQ dahil maiipon ito.

Sinuspinde lang ng Manila Electric Company (Meralco), Maynilad at Manila Water ang paniningil dahil sa ECQ subalit pagkatapos ay muling magkakaroon ng reading sa mga metro bago maningil.

Dahil dito, sinabi ni Colmenares na mababaon sa utang ang consumers dahil tiyak na madodoble o matitriple ang kanilang bills na hindi nila kakayanin dahil walang income ang mga ito bunsod ng tigil trabaho.

LIBRENG LOAD NAMAN

Umapela naman si Rep. Carlos Zarate sa Telecom Companies na bigyan ng libreng load ang kanilang consumers dahil tumigl ang mga tao sa pagpapa-load dahil din sa kawalan ng income.

“This free load help is, in fact, a drop in the bucket if we take into account that the telcos still have a pending case to refund consumers of at least P7 billion since November 2011 for overcharging their text messaging,” ani Zarate. BERNARD TAGUINOD

57

Related posts

Leave a Comment