MAALIW SA GITNA NG NAKAYAYAMOT NA INIT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO GRABE na ang init. Kung may masisilungan na magbibigay ng kahit panandaliang ginhawa ay humayo na. Iwasan ang heat cramps, heat exhaustion at ang malala – ang heat stroke. Kaso nga lang, lalong iinit ang katawan, kasama na ang utak, dahil sa manaka-nakang brownout dulot ng numipis na reserbang kuryente. Ito ang medyo pampakalma ng init. Pati pala size ng itlog apektado ng mainit na panahon. Pero hindi lang itlog ha, maging kamatis ay nabansot daw sa ilang lugar na pineperwisyo ng El Niño. Dahil sa…

Read More

MEDICAL DEVICE DISTRIBUTION NG PCSO

TARGET ni KA REX CAYANONG NAMAHAGI ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng iba’t ibang medical device sa mga residente ng Pampanga, Rizal, at Laguna, na nagpapakita ng kanilang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng kalusugan ng mga Pilipino. Sa personal na pag-abot ni PCSO General Manager Melquiades Robles ng 50 wheelchair, 50 nebulizer, 50 glucometer, at 50 BP apparatus kay Pinuno Party-list Representative Ivan Howard Guintu kamakailan sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City, ay ipinakita nila ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan. Nagpahayag ng pasasalamat si…

Read More

50% NG PAMILYANG PINOY NAGHIHIRAP

UMABOT sa 50 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na nagdarahop o salat sa kabuhayan, ito ang lumabas sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Station. Lumabas ang nasabing pag-aaral ng SWS kasunod ng panawagan ng iba’t ibang labor groups na ipasa na ang legislative wage hike na P150.00 dahil hindi na kinakaya ng mga pamilyang Pinoy ang taas ng presyo ng mga bilihin. Nabatid na base sa March 21-25 survey na inilunsad ng SWS, lumitaw sa pag-aaral na 46 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing…

Read More

PH-US PINALAKAS UGNAYAN LABAN SA FOREIGN INFO MANIPULATION

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang ugnayan laban sa false foreign narratives, saklaw ang lahat ng uri ng disinformation. Nabuo ang commitment sa idinaos na 11th US-Philippine Bilateral Strategic Dialogue (BSD) sa hanay ng mga senior Filipino at American government officials mula Abril 22 hanggang 23 sa Washington D.C. Sa ilalim ng category ng “expanding the breadth of Philippines-US partnership” ang dalawang panig ay “committed in 2024” na palalimin pa ang kolaborasyon ukol sa “countering foreign information manipulation”. Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to the…

Read More

1.7K WANG-WANG, SIRENA NAKUMPISKA

UMABOT sa 1,707 sirena, blinker at iba pang ipinagbabawal na accessories ng sasakyan ang nakumpiska sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG). Nabatid kay HPG chief Gen. Alan Nazarro na ang mga bagay na ito ay nasamsam mula Marso 25 hanggang Abril 22, alinsunod sa Presidential Decree (PD) 96, na nagbabawal sa paggamit ng mga blinker, sirena, at iba pang kaugnay na kagamitan para sa mga pribadong sasakyan. Ayon pa sa opisyal, kabilang sa mga nakumpiska ang 957 light-emitting diode (LED) lamp, 300…

Read More

US MISSILES SA N LUZON PINASISILIP SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang pagde-deploy umano ng Estados Unidos ng kanilang Tomahawk Missile sa Northern Luzon partikular na sa Batanes. Sa House Resolution (HR) 1688 na inakda nina ACT party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, inatasan ng mga ito ang House committee on national defense and security na alamin ang katotohanan hinggil sa ulat na kasama ang Tomahawk Missile Launcher sa dinala ng Amerika sa Pilipinas para sa 39th Balikatan Exercises. “Kailangan…

Read More

WFH IBALIK HABANG NANANALASA EL NIÑO

IMINUNGKAHI ng isang kongresista na ibalik ang work from home (WFH), hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor habang nararanasan ang heat wave na dala ng El Niño phenomenon. Ayon kay National Unity Party (NUP) president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, patuloy na mararanasan ang matinding init ng panahon hanggang sa buwan ng Mayo kaya dapat proteksyunan ang mga manggagawa. “With daytime temperatures feared by PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) to get even hotter in the weeks ahead, possibly reaching what climatologists called the…

Read More

2 LALAKI INATAKE NG ARMADO, 1 PATAY

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang magkapikunan sa kanilang kwentuhan sa Dasmariñas City sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Sa mismong lugar ng inuman nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Gil”, nasa hustong edad, habang kusang loob namang sumuko ang suspek na si alyas “Fredo”. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima at suspek na inabot ng madaling araw ngunit sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima na nagresulta…

Read More

2 ABANDONED VEHICLES INUUGNAY SA NASABAT NA 1.4 TONS DROGA

POSIBLENG konektado sa 1.4 tons ng illegal drugs na nasabat sa Batangas noong Abril 15, ang dalawang SUV na inabandona sa bayan ng San Luis sa lalawigan ng Pampanga. Natuklasan ng mga awtoridad na isang itim na Toyota Land Cruiser ang inabandona sa isang sementeryo, at isang puting Ford Explorer naman ang iniwan sa open parking space ng isang sabungan. Nakita ang dalawang sasakyan pasado alas-onse ng gabi noong Linggo, Abril 21. Ayon kay PCol. Jean Fajardo, spokesperson ng PNP, base sa pag-review ng PNP sa mga lugar na dinaanan…

Read More