1 natodas sa Navotas 4 DAGDAG SA COVID CASUALTIES SA CALOOCAN

APAT ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa ang binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit sa Navotas City noong Mayo 23.

Pumalo na sa 30,460 ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan, kung saan 28,502 na ang gumaling, 888 ang namatay at 1,070 ang active cases.

Samantala, 10,782 na ang nasapul ng pandemya sa Navotas, at sa nasabing bilang ay 10,277 na ang gumaling, 356 ang namatay at 149 ang active cases.

Nanatili namang 435 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang walang naitalang namatay. Wala ring naidagdag na confirmed cases habang 12,939 pa rin ang positive cases, 177 dito ang active cases.

Umabot naman sa 28 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangays Bayan-bayanan (1), Catmon (4), Flores (1), Maysilo (1), Niugan (1), Potrero (10), San Agustin (3), Tañong (3), at Tugatog (4). Sa kabuuan ay 12,327 ang recovered patients ng Malabon.

Hindi pa nakapaglalabas ng COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

117

Related posts

Leave a Comment