PATAY ang chief of police ng Bubong Municipal Police Station makaraang pagbabarilin sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Kidapawan City.
Kinilala ang biktimang si PMajor Razul Guiambangan Pandulo.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Bulong Subdivision, Poblacion, Kidapawan City noong Nobyembre 23, 2026.
Ngunit bigla na lamang pumasok ang dalawang suspek dakong alas-4:30 ng hapon at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ang katawan ang biktima na nagresulta sa kamatayan nito.
Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng Kidapawan City PNP, subalit hindi na naabutan ang mga suspek.
Si Pandulo ay dating naglingkod sa North Cotabato bilang Deputy Chief of Police sa ilang municipal police stations at naging Chief of Police din ng Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at para malaman ang motibo sa likod ng krimen.
(TOTO NABAJA)
35 