INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang suspek sa pagpatay sa dating Miss Philippines Earth 2013 3rd runner-up.
Kinilala ang suspek na si alyas “Kenneth” 30-anyos, residente ng Cabagan, Isabela at Apalit, Pampanga.
Ang suspek na itinuturing na no. 1 most wanted person ng Isabela, ay nahuli sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Cainta, Rizal noong Lunes ng hapon, Nobyembre 23.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek na walang inirekomendang pyansa.
Nabatid na binaril ng suspek ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela noong Pebrero 13, ngayong taon.
Sa ngayon ang naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng San Manuel Police Station habang hinihintay ang paglilipat sa hurisdiksyon ng korte na naglabas ng warrant of arrest.
(TOTO NABAJA)
43 