CAVITE – Umabot sa 18 kabataan ang dinampot habang nagkakasayahan sa birthday party dahil sa paglabag health protocol sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Provincial Ordinance No. 268-2021 (Curfew) at City Ordinance 10-S-2020 (Social Gathering and Social Distancing) ang nabanggit na mga dumalo sa birthday party sa Block 10, Lot 19, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.
Ayon sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Lunes nang makatanggap ng tawag ang mga barangay tanod hinggil sa pagdiriwang ng mga kabataan sa nabanggit na lugar.
Nang magresponde ang mga awtoridad ay naabutan ng mga ito ang mga kabataan na pawang walang suot na face mask at face shield habang nag-iinuman.
Isinailalim muna sa medical examination sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mga inaresto bago dinala sa himpilan ng pulisya. (SIGFRED ADSUARA)
177 