AHENSIYA SA WATER DISTRIBUTION TINANGGIHAN NG PALASYO

tubig12

(NI BETH JULIAN) HINDI kinagat ng Malacanang ang planong pagbuo sa Department of Water Management na tututok sa maayos na distribusyon ng tubig. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, wala naman problema sa suplay ng tubig at kaya lamang nagkakaproblema ay dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal ng MWSS at Manila Water. Isinisi rin ng Malacanang ang posibleng mga maling diskarte para sa distribusyon ng tubig sa kanilang mga customer. Iginiit ni Panelo na sa katunayan ay madali rin naman nalutas ang aberya pero hinintay pa ng mga ito…

Read More

CONGRESS, SENATE SA 2019 BUDGET: DEADLOCK!

duterte senado

(NI ABBY MENDOZA) DEADLOCK pa rin ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa 2019 proposed national budget. Matapos ipagmalaki ng Senado na pumayag na ang House of Representatives na bawiin nito ang naisumute nilang bersyon ng budget ay pinabulaanan naman ito ngayon ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Nanindigan si Arroyo na hindi nila binawi ang kanilang bersyon bagkus ay pinag-uusapan nila ang gagawing pagbabago. Matatandaan na una nang  kinumpirma ni San Juan City Rep  Ronnie Zamora  na nagkausap na sila ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa pagbawi ng Mababang Kapulungan…

Read More

SENADO MAG-IIMBESTIGA NA RIN SA WATER SHORTAGE

gracepoe12

(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSASAGAWA na rin ang Senado ng imbestigasyon ukol sa nangyayaring water crisis sa Silangang bahagi ng Maynila at sa probinsya ng Rizal. Nais ipatawag ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang mga water concesionnaires na Maynilad at Manila Water gayundin ang ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman dito upang talakayin ang water crisis at magmungkahi ng mga solusyon para maibsan ang pasanin ng mga apektado sa water shortage. Inanyayahan din ang mga local officials at mga residente na apektado rito. Sa panayam…

Read More

MRT-3 TIGIL-BIYAHE MULA APRIL 15-21

mrt15

(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na sususpendihin nila ng isang linggo ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mahal na Araw. Ito’y upang bigyang-daan ang kanilang annual general maintenance shutdown. Batay sa paabiso ng DOTr, itatapat nila ang pagtitigil ng biyahe para sa pagkukumpuni, sa Mahal na Araw, o mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Layunin anila nito na hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga mananakay, na inaasahang magsisiuwian naman sa kani-kanilang lalawigan upang…

Read More

PLASTIK DAW? HEART PUMALAG SA BASHER

heart250

Nang mag-post si Heart Evangelista ng photo kasama niya ang asawang si Sen. Chiz Escudero habang sila ay nangangampanya sa isang palengke sa Sorsogon, may basher na nag-comment ng: “Sobrang ka-plastican naman Ms. Heart ‘yung palengke scene mo. Di makatotohanan ‘yung mga ganung action mo! Ang OA lang… Walang sincerity parang “Gimik lang! (sic)” Pero kahit na very negative ang comment, sinagot pa ito ni Heart nang kalmado: “You may say what you want. I  am only answerable to God. Life is too short my dear (if you only knew…

Read More

DFA: WALANG NADAMAY NA PINOY SA UTRECHT TRAM SHOOTING

neterh12

(NI DAVE MEDINA) ABALANG-ABALA ngayon sa pag-alam ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong mga Pilipinong nadamay sa shooting incident sa Utrecht kahit pa may inisyal na ulat na walang nadamay sa Filipino community doon. Ayon sa DFA, patuloy na nakikipag-ugnayan hanggang sa ngayon ang Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands  sa mga Dutch police at Dutch Foreign Ministry patungkol sa  insidente ng pamamaril. Gayundin, nakikipag-ugnayan na rin umano si Ambassador Jaime Victor Ledda sa mga kasama sa Filipino community sa Utrecht at inaabisuhan ang mga ito na pag-ibayuhin…

Read More

GLORIA NANINDIGANG WALANG BINAWI SA 2019 BUDGET

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD) ITINANGGI ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na binawi ng mga ito ang kanilang bersyon sa 2019 national budget tulad ng ipinapalabas ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson. “No, we have not withdrawn our version,” ani Arroyo kasunod ng mga ulat na binawi na ng mga ito ang kanilang enrolled bill na ayaw pirmahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III dahil binago umano ng mga kongresista ang orihinal na niratipikang P3.757 Trillion budget ngayong taon. “We’re in discussions about what is the proposed new version,” Arroyo subalit…

Read More

MRT-3 UMUSOK; ‘SHORT CIRCUIT’ ITINURONG DAHILAN

mrt3

NAGKAROON umano ng short circuit dahilan para umusok ang isa sa mga bagon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3). Agad na inihinto ang tren at pinababa ang mga pasahero, Lunes ng gabi. Sa statement, sinabi ng MRT3 na nakita ng mga technician ang short circuit sa high voltage wire ng traction motor. Isinailalim na rin umano sa pagkumpuni ang tren  sa MRT-3 depot sa Quezon City. Noong Enero, 2018, umusok din ang isa sa mga bagon ng MRT-3 dahil sa kanilang circuit breaker.  Setyembre 2017 naman nang pababain ang mga pasahero…

Read More

BABAENG OFW SA SAUDI NAHAHARAP SA BITAY

saudi12

(NI BERNARD TAGUINOD) UMAPELA ang isang mambabatas sa Kamara sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na agad na magreport kapag nabiktima ang mga ito ng krimen upang maiwasang mapahamak sa huli. Ito ang payo ni ACT-OFW party-list Rep. John Bertiz III kasunod ng kaso ng isang household service worker na Pinay sa Jeddah, Saudi Arabia na posibleng maharap sa parusang kamatayan matapos mamatay ang kanyang anak. Nabatid na ang Pinay ay ginahasa at nabuntis umano ng isang dayuhan na driver ng kanyang employer at dahil sa takot ay itinago nito…

Read More