PORMAL nang sinampahan ng kasong direct assault with frustrated murder ang suspek sa pananaga kay PSSg. Noli Miraña ng San Jose Municipal Police Station sa Camarines Sur.
Isinampa ang kaso noong Agosto 23 sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Camarines Sur Provincial Prosecutor’s Office, at may inirekomendang piyansa na P120,000.00.
Noong Martes, Agosto 24, pormal namang inihain sa Regional Trial Court sa San Jose ang impormasyon para sa nasabing kaso.
Sa ngayon, si Miraña ay patuloy na nagpapagaling sa ospital makaraang matagumpay na maibalik ang naputol niyang kamay.
Tiniyak ng Camarines Sur Police Provincial Office na susuportahan nito ang pulis at kanyang pamilya habang umuusad ang kaso.
(TOTO NABAJA)
65 