Salpukan sa Infanta, Quezon RIDER PATAY SA TUMALSIK NA SALAMIN NG VAN

PATAY ang isang 22-anyos na rider matapos tamaan sa leeg ng nabasag na salamin ng isang van na nakasalpukan nito sa Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon noong Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang 22-anyos na lalaking residente ng Tanay, Rizal.

Nabatid sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at patungong Infanta, Quezon nang makasalpukan ang passenger van na minamaneho naman ng 44-anyos na driver.

Nabasag umano ang salamin ng van at tumalsik ang bahagi patungo sa leeg ng biktima na ikinamatay nito.

(NILOU DEL CARMEN)

56

Related posts

Leave a Comment