ICC PERSONNEL NA BYAHENG ‘PINAS ‘DI PWEDE MAG-IMBESTIGA

icc12

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na hindi makapapasok sa bansa ang International Criminal Court (ICC) personnel na nagbabalak  pumunta rito para magsagawa ng preliminary investigation sa giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos diretsahang ihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na kaagad nilang ide-deny ang visa ng ICC personnel para hindi makapasok sa bansa. “Matulog na lang sila. Why should we allow them to do it first before we do something,” wika ni Panelo. Pero kumambyo naman ang Malacanang at sinabing maaari…

Read More

KAMARA WALANG PLANONG SUMUKO SA SENADO

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD) TALIWAS sa unang napaulat, hindi kumurap o sumuko ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Senado sa P3.757 Trillion national budget na patuloy na natetenggga dahil sa isyu ng pork barrel. Sa statement ni House Appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sinabi nito na walang sinuman ang may otoridad, kasama siya, na i-withdraw ang naratipikahang national budget. Sinabi ng kongresista na inaprubahan at niratipikahan ang 2019 national budget sa plenaryo ng Kamara kaya kung iwi-withdraw man aniya  ito ay dapat ding gawin sa plenaryo. Si…

Read More

MANILA WATER CONSUMERS NAGBABAYAD SA PLANTA NA HINDI GUMAGANA

CARDONA12

(NI BERNARD TAGUINOD) KINUWESTIYON ni House Assistant Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep Bernadette Herrera-Dy ang advanced payments na sinisingil ng Manila Water sa kanilang water consumers para sa isang pasilidad na naantala ang operasyon. Tinukoy ni Dy ang Cardona treatment plant na bahagi ng business plan ng Manila Water noong 2008. Makapagbibigay sana ang planta ng 100 million liters ng tubig kada araw, subalit  partial operation lamang ang nagawa nito noong  March 14, o walong araw matapos maranasan ang water shortage. Kinumpirma ni Ty na kasama sa binabayaran…

Read More

PAGKALAS NG PINAS SA ICC SUPORTADO SA SENADO 

titosottoicc

(NI NOEL ABUEL) WALANG nakikitang problema ang liderato ng Senado sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, walang negatibong epekto sa bansa ang hindi na pagkilala sa ICC lalo na at hindi naman ito nakatutulong sa buhay ng mga Filipino. Giit pa ni Sotto na maging ang Estados Unidos ay hindi kinikilala ang ICC at walang tumutol na mga mambabatas sa desisyon ng kanilang opisyal. “I don’t think so. As a matter of fact, the United States is also not inclined…

Read More

IMBESTIGASYON SA SYTIN MURDER UUMPISAHAN NA

sytin12

(NI TERESA TAVARES) ITINAKDA na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa mga kasong isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga itinuturong nasa likod ng pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic, Zambales. Gagawin ang PI sa April 1, ganap na alas-10:00 ng umaga sa mga kasong murder at frustrated murder laban sa kapatid ni Dominic  na si Dennis na itinuturong mastermind sa krimen. Tumatayong complainant sa kaso ang biyuda ni Dominic na si Ann Marietta Sytin at ang Olongapo City police. Si Dominic ang…

Read More

IBA’T IBANG AHENSIYA NAGTULONG-TULONG VS WATER SHORTAGE

panelo 200

(NI CHRISTIAN DALE) HANGGANG ngayon ay isinasapinal pa ang Executive Order (EO) para masolusyunan ang problema sa kakulangan ng supply ng malinis na tubig hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bagama’t wala pa ang EO ay patuloy namang tinutugunan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang kawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa bansa lalo pa’t 90 na porsiyento na ang naibalik ang suplay ng tubig sa mga lugar na nawalan ng suplay nito. Nauna rito, sinabi ni Sec.…

Read More

MGA PINOY SA NZ PINAG-IINGAT PA RIN NG DFA

nz12

(NI ROSE PULGAR) PINAG-IINGAT ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 5,000 Filipino sa New Zealand matapos ang pag-atake ng isang suspect sa loob ng mosque at nagresulta ng pagkakapatay ng halos 50 katao na pinagbabaril nito. Inatasan nitong Lunes ni DFA Secretary Teodoro Locsin si Phil Ambassador Jesus Gary Domingo na makipag ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch leaders at sa mga Filipino community upang malaman kung may mga Pinoy na posibleng nadamay sa karumal-dumal na pagpatay sa mga biktima habang nagdarasal sa loob ng dalawang mosque. Nag…

Read More

MANILA WATER CONSUMERS MAGBABAYAD PA RIN KAHIT WALANG TUBIG

manila water12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY LUCAS LUKE) MAGBABAYAD pa rin ang mga apektadong consumers ng Manila Water kahit ilang araw na walang tumulong tubig sa kanilang gripo. Ito ang inamin ng pamunuan ng Manila Water sa pagharap ng mga ito sa pagdining ng House committee on Metro Manila Development Committee ukol sa krisis na tubig na naranasan ng mga consumers ng nasabing water concessionaires. Sa pagtatanong ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, napaamin nito si Manila Water President at Chief Executive Offers (CEO) Ferdinand dela Cruz na magbabayad pa rin…

Read More

HABANG MAY KRISIS SA TUBIG; BROWNOUT NAMAN NGAYON

meralco8

(NI DAHLIA ANIN) NAGBIGAY ng abiso sa publiko ang Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng brownout ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit probinsiya dahil sa mga gagawing maintenance. Sa Marso 18-24 ang nakatakdang iskedyul at ilan sa maapektuhan ay ang Caloocan City (TALA), Mandaluyong City (Wack Wack Greenhills East), Pasig City (Kapitolyo, Pineda at Ortigas Center), San Juan City at Quezon City (Central at Vasra, Cubao at Diliman). Maapektuhan din ang ilang kalapit probinsya tulad ng Bulacan (Bocaue at Malolos City), Cavite (Dasmariñas, Imus at Gen. Trias…

Read More