JOSHUA PATITIKIMIN NI JULIA NG BAGAY NA GUSTO NIYA!

julia barretto 12

(NI RK VILLACORTA) BONGGA ang magiging Holy Week vacay ng aktor na si Joshua Garcia next week. Yes, sa Semana Santa ay patitikimin siya ng girlfiend na si Julia Barretto ng never pa niya natitikman at inaasam-asam na masubukan at siguradong magugustuhan niya! Yessss! Patitikman ni Julia ang boyfie ng isang bonggang bakasyon sa Hong Kong na dati’y pangarap lang ng binata. Tulad ng pangako ng kanyang girlfriend, mag-e-enjoy ang binata sa pinaplanong bakasyon grande ng aktor sa dating British Colony. As scheduled, siguradong mag-e-enjoy ang magsing-irog sa paglalakwatsa nila…

Read More

CODING SCHEME NG MMDA SUSPENDIDO HANGGANG APRIL 22 

MMDA ILLEGAL PARKING

(NI ROSE PULGAR) SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila bunsod ng paggunita ng Semana Santa. Sa abiso nitong Lunes ng MMDA, simula sa Miyerkoles Santo (Abril 17) hanggang sa Lunes (Abril 22) ay suspendido ang UVVRP o number coding. Ayon sa MMDA, ang suspension ng number coding ay upang tiyakin na may sapat na public utility vehicles na makakapagserbisyo sa maraming mananakay na magtutungo sa kanilang mga probinsiya. Balik uli…

Read More

ELECTRIC COOPS PUMALAG SA NARANASANG BROWNOUT

brownout12

(NI MAC CABREROS) HINDI dapat sisihin ang mga electric cooperatives sa nararanasang rotational brownout sa bansa lalo na sa Luzon. Sa mensaheng ipinadala sa Saksi Ngayon, inihayag ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA), na wala silang kasalanan sa nangyayaring brownout dahil wala umano silang kontrol sa sitwasyon. “We would like to clarify that respective electric cooperatives have no control or liability on the situation,” pahayag ng PHILRECA. Itinuro ng grupo ang ‘sisi’ sa National Grid Corporation of the Philippines dahil sila ang direktang may hawak sa supply ng kuryente.…

Read More

PILA NG PASAHERO SA MRT SA EDSA MAHABA, BUS KINULANG

mrtbus12

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY ED CASTRO) HUMABA ang pila ng mga pasahero sa Edsa dahil sa kakulangan ng bus na bumibiyahe matapos umpisan na nitong Lunes Santo ang pagsasara sa loob ng isang linggo ng MRT3 dahil sa maintenance works. Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na marami pa ring pasahero ang pumila sa MRT3 Edsa-Taft Station dahil sa kabila ng anunsyo na walang bibiyaheng tren dahil sa maintenance ay marami pa rin ang nagtangkang pumila para makasakay  sa MRT 3 station sa EDSA. Ayon kay  MMDA Special Operations…

Read More

MANILA WATER SA SPECIAL REBATE; PAASA LANG SA 6-M CONSUMER

manila water12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL hindi pa rin nakakamit ng may anim na milyong consumer ang diskwento ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water ay muling naghain ng petisyon ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) hinggil sa kawalan umano ng aksyon ng mga ito. Ayon kay Bayan Muna Secretary General Renato Reyes, nasa 21-pahinang petisyon na paraan ng parusa ang itatapat sa mga ito dahil nabigo ang Manila Water sa mandato na bigyan ng serbisyo ang kanilang mga consumer nang walang aberya. “It should be noted that the…

Read More

DoE SA POWER PLANT OPERATORS: MAGPALIWANAG KAYO!

luzon grid12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na pagnipis ng power supply at paglalagay sa red at yellow alert sa mga power plant ay pinagpapaliwanag na ng Department of Energy (DoE) ang mga operators ng planta ng kuryente sa Luzon. Ayon kay Wimpy Fuentebella, tagapagsalita ng DoE, binigyan na nila ng show cause order ang Sual Unit 1 sa Pangasinan; SLPGC Unit 2 at SLTEC Unit 1 sa Batangas; at Pagbilao Unit 3 sa Quezon matapos mabatid na nagkaroon ng ‘unplanned shutdown’ sa mga ito. Kasama rin dito ang Calaca Unit…

Read More

MEALES OUTBREAK SA BANSA HUMUHUPA NA – DoH  

tigdas12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na pagbabakuna ng Department of Health (DoH) laban sa tigdas, inasahan na ang pagtanggal sa tigdas outbreak alert sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa habang patuloy pa rin ang isinasagawang routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna para makumpleto na ito. Matatandang tumaas ang porsyento ng namamatay at kasong naitala…

Read More

COMELEC MAY SARILING GRUPONG SUSUGPO SA ‘FAKE NEWS’

comelec12

HANDA na umano ang isang grupo ng Commission on Election (Comelec) na pinangungunahan ni Comelec spokesperson James Jimenez na sugpuin ang mga posibleng kakalat na mga “fake news” hinggil sa midterm elections sa social media kasabay ng pagsisimula ng overseas voting nitong April 13, sa ilang panig ng mundo. Ito ay kasabay din sa matinding paghahanda ng Comelec sa aktwal na midterm elections. Sinabi ni Jimenez na nagsanay umano ang kanyang grupo upang agad na makapagresponde sa mga posibleng fake news hinggil sa midterm election. May mga paraan umano at…

Read More

PENITENSIYA NG MAGSASAKA SA EL NINO, NAIBSAN

EL NINO12

(Ni FRANCIS SORIANO) NAIBSAN ang pangamba ng mga apektado ng El Nino matapos makaranas ng mga pag-ulan sa mga lugar na lubhang tag-tuyot noong nakaraang linggo , ayon sa Department of Agriculture (DA) Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi na umano gaanong malala ang epekto ng El Niño sa pananim ng mga magsasaka kung ikukumpara sa mga unang araw na naranasan ang nasabing tagtuyot. Batid din umano ng ahensiya ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka kaya’t tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng tulong-pinansiyal…

Read More