(NI JEDI PIA REYES) INAALAM na ngayon ng Land Transportation Office (LTO) kung maaaring mauwi sa pagkansela o pagrevoke ng driver’s license ng Starstruck Ultimate Male Winner na si Migo Adecer matapos siyang masangkot sa traffic incident sa Makati City nitong Linggo. Ayon kay Atty. Clarence Guinto, ang direktor ng LTO-NCR, aalamin nila kung naangkop pang mabigyan ng karapatan na humawak ng lisensya si Adecer matapos na matukoy din ng Makati City Police na peke ang ibinigay nito sa mga otoridad nang hulihin noong Marso 26. Batay din aniya sa…
Read MoreMonth: April 2019
KUMUSTA NA ANG AFP MODERNIZATION?
Sa dinami-rami ng mga isyung kinakaharap ng ating bansa, una na riyan ang pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS), ay tila nawala na rin sa spotlight ang usapin ng moder-nisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Saang antas na kaya ang modernisasyong ito? Kamakailan ay may ilang opisyal ng AFP na aking nakausap at ang kanilang sinasabi ay napakabagal talaga ang pag-usad ng programa na disinsana’y malaki na dapat ang inaa-ngat simula pa ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Ang sabi ng ilan, mukhang may mga…
Read MoreE-BILLBOARD NG KANDIDATO TABLADO SA COMELEC
(Ni FRANCIS SORIANO) MALAKING halaga ngayon ang nawawalang kita ng mga may- ari ng electronic billboard matapos tablahin at pagbawalan ng Commission on Election (Comelec) ang mga kandidato sa paggamit ng mga naglalakihang electronic billboard sa mga gusali at pati sa mga sasakyan. Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, pinaalalahanan ang mga kandidato na dapat munang maghain ng petisyon sa kanilang opisina ang mga kandidato sa paggamit ng mga electronic billboard. Bunsod nito ay ipinatatangal na ng komisyon ang lahat ng campaign materials sa mga electronic billboard ng mga kandidato, sa ikatlong…
Read MoreRESULTA NG DRUG TEST NG CELEBRITIES SISILIPIN NG PDEA
(NI JESSE KABEL) PRESSURED ang mga film outfit at mga television network na masagawa ng internal cleansing sa kanilang mga artista bunsod ng ingay na nilikha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa 31 celebrities na sangkot sa illegal drugs. Maging ang mga kapwa artista ngayon ay nananawagan sa PDEA na ilantad na ang sinasabing mga celebrities na nasa kanilang drug watchlist. Dahil dito, hinamon ng PDEA ang malalaking TV networks at mga film company na isailalim sa drug testing ang kanilang mga artista. Nabatid na nagpahayag na ang…
Read MoreCHINESE FISHERMEN LANG NASA PAGASA ISLAND — ZHAO
(NI BETH JULIAN) KINUMPIRMA ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na pawang mga magingisdang Chinese at hindi militia men ang sakay ng mga Chinese vessels na nasa Pagasa Island. Sinabi ni Zhao na katulad ng mga mangingisdang Pilipino na nasa Pagasa Island, mayroon din silang mga mangingisda sa lugar. Sa pagbisita kahapon ng hapon ni Zhao sa Malacanang sa opisina ni Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, sinabi nito na ang lumabas na ulat na nasa 600 mga Chinese vessels ang nasa Pagasa ay kinakailangan pa ng ibayong imbestigasyon. Sinabi pa ng…
Read MoreIGNACIO, IKALAWANG BABAENG SSS HEAD, ITINALAGA
(NI BETH JULIAN) MAY bago nang pinuno ang Social Security System (SSS) sa katauhan ni Aurora Cruz Ignacio, dating secretary sa Office of the President. Si Ignacio ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Marso. Siya ang ikalawang babaeng naupo sa SSS kasunod ni Corazon dela Paz na nagsilbi sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Itinalaga ng Pangulo si Ignacio bilang focal person sa kampanya kontra ilegal na droga noong Hunyo 2017 at kamakailan ay naging miyembro ng Board of Directors ng Belle Corporation. Pinalitan ni Ignacio sa…
Read MoreSA MGA BAGONG ISKOLAR NG BAYAN: KATIWALIAN LABANAN
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ilabas ang listahan ng mga nakapasa sa University of the Philippines College Admiission Test (UPCAT), nagpaalala ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga bagong iskolar ng bayan na gawin ang kanilang responsibilidad tulad ng paglaban sa katiwalian. “Help fight corruption, apathy, and falsehoods,” mensahe ni House Assistant Minority leader Salvador Belaro Jr., sa mga bagong iskolar ng bayan sa prestihiyosong unibersidad. Ayon sa mambabatas, kailangang din isaisip ng mga Isko at Iska ang kapakananan ng mga mahihirap, marginalized sector, working middle class at…
Read More‘HARASSMENT’ PERSONAL NA AALAMIN NI PANELO KAY ZHAO
(NI BETH JULIAN) PERSONAL na tatanungin ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kung totoong mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang napaulat na sangkot sa panibagong pagtataboy umano sa ilang Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Panelo na mahalagang maliwanagan muna mula sa Chinese embassy kung talagang mga tauhan nila ang mga nasa Panatag Shoal, gayundin ang layunin ng pananatili ng mga ito sa lugar. Sinabi ni Panelo na may tinatanggap din silang report na hindi…
Read More6-TAON NA ‘KULONG’ SA MAG-AMANG YUSON
(Mga warlord sa Masbate pinatiklop ng pulisya) KASAMA ang mag-amang mayor at vice mayor sa pinagdududahang mga ‘warlord’ sa lalawigan ng Masbate na kung saan ay masusing minamatyagan ng awtoridad mula sa Pambansang Pulisya. Kahapon ay inumpisahan na ng Department of Justice ang pag-uusig sa alkaldeng si Charmax Jan Yuson ng Batuan town sa nabanggit na lalawigan at ang kanyang amang bise alkalde na si Charlie Yuson. Ang mag-amang Yuson ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 at RA 10591 o kilalang batas sa illegal possession of firearms and…
Read More