6-K PROV’L BUS PAPALITAN NG 20-K SASAKYAN?

edsa

(NI BERNARD TAGUINOD) NASA mood na si Albay Rep. Joey Salceda na ‘makipag-away’ sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang may 6,000 provincial bus sa Edsa lalo na’t papalitan umano ito ng may 20,000 sasakyan. Si Salceda ang huling naghain ng petisyon sa Korte Suprema kung saan hiniling nito na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang mga Mahistrado dahil hindi pa inaabandona ng MMDA ang kanilang planong isara ang mga provincial bus stations sa Edsa. Tinawag ng mambabatas na napaka-anti probinsyano umano ang planong ito…

Read More

DEPED KUKUHA NG 10,000 BAGONG TEACHERS

briones12

(NI KIKO CUETO) KUKUHA ang Department of Education (DepEd) ng 10,000 bagong public school teachers kasunod ng pagpapalabas ng 2019 national budget. “Sa school hiring medyo na-delay lang, pero nagrerecuit na kami ng mga teachers. Ang dahilan ng pagkuha namin ay hindi dahil kulang kundi para sa student teacher ratio,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones. Dagdag ng kalihim, sinimulan na ang pagpapatayo ng 80,000 na bagong silid aralan sa bansa. Inihayag ito ni Briones isang linggo bago ang pagsisimula ng bagong school year. Target ng pamahalaan na ibaba sa…

Read More

KAPULISAN SA METRO FULL ALERT NA SA CLASS OPENING

pnp12

(NI DAVE MEDINA) NASA full alert status ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila bilang paghahanda sa pagbubukas ng pasukan ng mga eskwela sa Hunyo 3. Sa panayam kay NCRPO chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, isa sa mga tututukan ay ang pagresponde sa pekeng bomb threats na taun-taon ay problema ng NRCPO tuwing nagbubukas ang klase. Tiniyak ni Eleazar na may nakalatag na protocol para sa mga ulat tungkol sa bomb threats bilang bahagi ng security preparation ng NCRPO. Sakali aniyang may natanggap na bomb threat ang isang…

Read More

OVERSEAS VOTERS MATAAS ANG TURNOUT — COMELEC

dubai voters

(NI HARVEY PEREZ) MAS mataas ngayon natapos na midterm election ang voters turnout ng Overseas Voters. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Office for Overseas Voting (OFOV)  Director Elaiza David na nasa 334,242 ang bumoto para sa overseas voting o 18.34 percent ang voter turnout. Ito umano ay mas mataas sa 15.63 percent noong 2013 midterm elections kung saan nalaman na ang kabuuang bilang ng registered overseas absentee voters para sa May 13 elections ay 1,822,173. Magugunita na sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na kumpiyansa silang magiging mas mataas nang kaunti…

Read More

P70 ROLLBACK SA LPG

LPG12

(NI DAVE MEDINA) INAASAHAN ang malakihang rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) o cooking gas sa pagpasok ng buwan ng Hunyo dahil sa ibinagsak nang contract price ng imported na LPG nitong nagdaang linggo. Sa pagtaya ng oil industry nasa P6.40 kada kilo na ang rollback sa presyo ng LPG o katumbas ng P70.40 na rollback sa kada 11-kilogram na LPG tank. Sa sandaling matukoy na ang final contract price ng LPG ngayong buwan ng Mayo ay maisasapinal naman ang mas mataas na halagang iro-rollback ng mga supplier…

Read More

MARAMING KINILIG SA 7TH ANNIV MESSAGE NI KATH KAY DANIEL

kathniel12

KINILIG ang fans ng KathNiel nang mag-message si Kathryn kay Daniel kahapon, May 26, ang kanilang seventh anniversary. Nag-share din ang aktres ng video na kinunan sa Amanpulo na may kalakip na letter, part of which reads: “You have to appreciate what you have every single day. More than anything in the world, I’m thankful that you are you, you are DJ, my tangi, my bal. I love how you are scared of small planes so you can never let go of my hand during flights, I love your sweaty…

Read More

SA MGA PAG-ULAN; SUMMER PATAPOS NA — PAGASA

rain

MAGPAPATULOY ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa frontal system o boundary sa pagitan ng air masses, ayon sa state weather Pagasa. Kasabay nito, pinag-aaralan din ng ahensiya ang mga senyales sa pagtatapos ng dry season. Ang frontal system na nakaaapekto sa silangang bahagi ng Luzon ay magbibigay ng maulap na papawirin at dagliang pag-ulan sa Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at  Calabarzon regions, aupm lau Pagasa weather forecaster Ezra Bulquerin. Ang Metro Manila, Mimaropa at Western Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan.…

Read More

BEAUTY GONZALEZ  PALABAN SA MGA ONLINE BASHERS

beauty g

(NI LOURDES C. FABIAN) KAMAKAILAN  ay na-bash ang isa sa lead stars ng “Kadenang Ginto” sa ABS-CBN 2 na si Beauty Gonzalez nang mag-post siya ng larawan na naka- two-piece swimsuit sa kanyang Instagram. Sabi ng ilang netizens, hindi magandang tingnan para sa isang tulad niyang may anak na ang halos hubad na sa larawan. Hindi pinalampas ni Beauty ang nasabing comments. “Ikaw, pakita ka naman! Para mag-enjoy 14 followers mo?! Please?” sagot nito. At hindi pa doon nagtapos dahil heto at may bago na naman siyang posts and this time ay…

Read More

EX-SIQUIJOR MAYOR KINASUHAN NG GRAFT

ombudsman1

KINASUHAN ng graft ang dating mayor ng Lazi town, Siquijor dahil sa umano’y iligal na pagbili ng fertilizer na nagkakahalaga ng P4.9 milyon noong 2004. Si dating mayor Orville Fua, Lazi town, Siquijor at anim iba pang opisyal at dalawang pribadong indibidwal ay kinasuhan dahil sa umano’y iligal na aktibidad. Maliban kay Fua, kinasuhan din ng Office of the Ombudsman sina municipal accountant Ana Marie Leilani Monte; municipal treasurer/bids and awards committee (BAC) member Rose Marie Tomogsoc; BAC chair Ivan Marchan; dating municipal engineer Natalio Jumawan Jr.; dating private secretary…

Read More