MAGPAPATULOY ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa frontal system o boundary sa pagitan ng air masses, ayon sa state weather Pagasa.
Kasabay nito, pinag-aaralan din ng ahensiya ang mga senyales sa pagtatapos ng dry season.
Ang frontal system na nakaaapekto sa silangang bahagi ng Luzon ay magbibigay ng maulap na papawirin at dagliang pag-ulan sa Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon regions, aupm lau Pagasa weather forecaster Ezra Bulquerin.
Ang Metro Manila, Mimaropa at Western Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay maulap din.
Idedeklara ng Pagasa ang tag-ulan kapag naranasan na ang southwesterly winds sa weather system at makapagtala ng 25 mm ng ulan sa limang magkakasunod na araw, ayon pa kay Bulquerin.
“Hinihintay na lang po nating ma-meet ang mga criteria para sa onset ng rainy season,” sabi pa nito.
Ang tag-ulan ay kadalasang idinideklara sa pagitan ng huling linggo ng Mayo
at unang linggo ng Hunyo.
Wala namang inaasahang bagyo na namumuo sa bansa sa susunod na hanggang limang araw.
