TAAS-SAHOD NG GURO, GOV’T WORKERS OK NA

duterte32

(NI BETH JULIAN) APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aaral sa posibilidad na itaas ang sweldo ng mga guro at mga kawani ng gobyerno. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi lamang sa mga pampublikong guro maaaring i-apply ang dagdag-sweldo kundi para sa lahat ng kawani ng pamahalaan. Ngayong naibigay na ang ikaapat na tranche ng salary standardization sa mga empleado ng gobyerno, may go signal na si Duterte na pag-aralan ang salary system sa pamahalaan. Ang Department of Budget and Management din ang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa…

Read More

BILANG NG ELECTORAL PROTEST TUMATAAS

james comelec12

(NI HARVEY PEREZ) PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kandidato na naghahain ng electoral protest sa Commission on Elections (Comelec),kaugnay sa natapos na mid -term elections noong Mayo 13. Ayon kay Comelec spokesperspn James Jimenez, may limang electoral protest na ang nakahain ngayon sa ahensiya. Ang protesta umano ay isinampa ng mga kandidatong natalo sa Taguig, San Juan, Leyte, Kalinga at sa Negros pero hindi tinukoy ni Jimenez ang pagkakakilanlan ng mga ito. Sinabi ni Jimenez na posibleng tumaas pa ang naturang bilang dahil hanggang nitong Biyernes ay may…

Read More

ELISSE JOSON NANGANGARAP PA RING MAGING DOKTOR

ellise12

(NI RK VILLACORTA) SA estado niya sa showbiz bilang isang busy young actress, ewan ko lang kung makekeri ni Elisse Joson na ipagpatuloy ang pangarap niyang maging medical doctor like her mom. Noong unang interview namin sa dalaga noong bago pa lang siya sa showbiz hanggang ngayon ay walang nagbago. She still dreams to be like her mom. Mabuting huwaran ang katulad ni Elisse na kahit kumikita na bilang artista ay gusto pa ring makapagtapos ng pag-aaral. Bukod sa pagdo-doktor na pangarap niya, she’s also into food and bar business.…

Read More

MILF NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA SA LANAO

balik12

(NI MICHAEL NAVARRO) MUNAI Lanao del Norte — Nakiisa sa inilunsad na Brigada Eskwela ang MILF  sa pangunguna ni dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander at ngayon ay Bangsamoro Transition Authority (BTA) member Hon. Abdullah Macapaar o mas kilala sa tawag na “Kumander Bravo”, kasama ang 4th Mechanized Infantry Battalion at ang Department of Education (DepEd) sa kanilang “Brigada Eskwela”. Kasabay din ito ng paglulunsad ng Alternative Learning System (ALS) center sa Camp Bilal (Kora-kora), Barangay Tamparan, Munai Lanao del Norte noong Lunes. Sa tema ngayong taon na “Matatag…

Read More

4PS REGULAR NA PROYEKTO NA NG GOBYERNO

poor12

(NI DAHLIA S. ANIN) PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang regular na proyekto ng gobyerno upang mabawasan ang kahirapan sa bansa. Ang batas na ito ay ang Republic Act 11310 na magtatakda rito bilang regular na  progrma upang mabawasan ang mahihirap at kwalipikadong pamilya. Bibigyan sila ng conditional cash transfer sa loob ng pitong taon upang mapaunlad ang kanilang kalusugan, buhay at edukasyon. Ang mga kwalipikado para makapasaok dito ay ang mga magsasaka, mangingisda, mga walang bahay, indigenious people,…

Read More

SIN TAX HIKE IHAHABOL SA 17TH CONGRESS

sin tax12

(NI NOEL ABUEL) PIPILITIN ng isang senador na maihabol bago matapos ang 17th Congress ang panukalang pagdaragdag sa buwis sa sin tax partikular sa sigarilyo. Ayon kay Senador Win Gatchalian hihilingin nito sa mga kapwa mambabatas na talakayin sa lalong madaling panahon ang pagpapataw ng dagdag na ₱70 buwis sa kada pakete ng sigarilyo upang maawat ang maraming Filipino na bumili ng sigarilyo maliban pa sa ang makokolektang buwis ay makadaragdag sa pondo na magagamit sa  universal health care program. Kumpiyansa ang senador na maipapasa sa huli at ikatlong pagbasa ang…

Read More

COMVAL BILANG DAVAO DE ORO PIRMADO NA

compos12

(NI BETH JULIAN) NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng pangalan sa Compostela Valley bilang Davao de Oro. Noong Mayo 17 nang lagdaan ni Pangulonvg Duterte ang Republic Act No. 11297, na inihayag lamang nitong May 23. Pero bago tuluyang kilalanin na Davao de Oro ay kailangan muna itong aprubahan ng mga residente sa pamamagitan ng isang Plebesito. “The remaining of the Province of Compostela Valley as the Province of Davao de Oro shall be subject to ratification by a majority of the votes cast by the qualified…

Read More

‘BIKOY’ NAGPIYANSA

bikoy19

NAGPIYANSA sa pamamagitan ng kanyang abogado si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si ‘Bikoy’ at nagdawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kaalyado nito sa illegal drug trade. Biyernes ng hapon nang magpiyansa ang abogado ni ‘Bikoy’ sa anim na counts ng estafa sa Baguio City. Si ‘Bikoy’ ay kusang sumuko noong Huwebes at binawi ang lahat ng unang sinabi at bumaligtad sa pagsabing pakana ng kalaban ng administrasyon ang una niyang ibinunyag. Idinawit nito ang ilang personalidad, religious sectors, maging si Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes…

Read More

PETC STAKEHOLDERS, NALITO SA MEMO NI USEC. TUAZON

Misyon Aksyon

NAKAKATUWA ang ipinalabas na memo ni Atty. Artemio Tuazon, usec  ng Department of Transportation (DOTr) noong May 14, 2019 na nakasaad ang “All PETC stakeholders IT service providers LTO regional directors; Subject: public consultation on the proposed amendments to department order 2012-10.” Ibig sabihin ay inaanyayahan siya ng taga-PETC para sa isang pampublikong konsultasyon. Dahil dito, nagkaroon ng kalituhan sa mga PETC stakeholders kung sino ba talaga ang nagpapatawag sa isang pampublikong konsultas­yon, ang kanilang pangulo ba na si Jun Evangelista o si Atty. Artemio Tuazon na usec at chief…

Read More