(NI JEDI PIA REYES) INIUTOS ng Sandiganbayan ang 90-araw na suspensyon kay Iligan City Representative Frederick Siao dahil sa kinakaharap nitong kasong katiwalian. May kinalaman ang kaso sa umano’y maanomalyang pag-upa ng lupa para gamiting transport terminal. Sa ipinalabas na resolusyon ng Sandiganbayan 3rd Division, pinagbabawalan si Siao na gampanan ang kanyang trabaho bilang miyembro ng House of Representatives at iba pang posisyon na kanyang hinahawakan. Inaatasan ng anti-graft court si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipatupad ang suspensyon. Iginiit naman ni Siao na hindi uubra ang pagsasailalim sa kanya…
Read MoreMonth: May 2019
MOVE ON NA
TAPOS na po ang eleksyon. Move on na tayo at tanggapin ang desisyon ng mas nakararami. ‘Yan ang kahulugan ng demokrasya — ang desisyon ng mayorya ang mananaig at hindi ang kagustuhan ng iilan. At kung ano man ang kalalabasan nito sa hinaharap ay kagustuhan din ‘yan ng nakararami. Sa totoo lang nakakatawa ang mga balitaktakan sa social media. ‘Yung ibang hindi matanggap na talo ang kanilang mga manok ay tinatawag na mga bobo at walang mga pag-iisip ang mga bumoto sa ilang kandidato. Maaaring sa tingin natin ay hindi…
Read MoreMAS GAGANDA ANG BUHAY SA SIPAG AT TIYAGA
Kalahati ng mga Filipino ang umano’y umaasa na gaganda pa ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan at apat sa 10 Filipino naman ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay nitong nakaraang taon, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) nitong nakaraang Marso o halos dalawang buwan bago ang eleksyon noong Mayo 13. Ang ganitong kataas na kumpiyansa sa pagganda ng kanilang buhay ang marahil isang dahilan sa naging panalo ng mga kandidato para senador ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong katatapos lang na eleksyon. Maliban kay Dong…
Read MoreKRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME, ‘NAGHARUTAN’ SA ‘WOWOWIN’
(NI JONATHAN ANG) MARAMI ang naaliw sa ‘harutan’ nina Kris Aquino at Willie Revillame nang magkausap ang dalawa via phone patch sa “Wowowin.” Sa May 21 (Tuesday) episode ng naturang Kapuso afternoon show, sinabi ni Kris na sasagutin niya si Willie sa June 4 kapag niligawan siya ng TV host. Nataon kasi na may isang studio contestant na Kris Aquino impersonator (si Chino Liu a.k.a. Krissy Achino na sound-alike talaga ni Tetay bagama’t look-alike ni John Lapus), nasumpungang tawagan ora-orada ni Willie ang tunay na Krissy. Nagka-chikahan sina Kris at…
Read More7 KOMPANYA, 3 INDIBIDWAL KINASUHAN NG TAX EVASION
(NI ALAIN AJERO) KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Caloocan City sa Department of Justice ang tatlong indibidwal at pitong korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 2011 hanggang 2015 na aabot sa P755 milyon. Ang tatlong mga inireklamong indibidwal ay sina Manuel Espiritu, Armando David Lagamson at Ma. Reztiliza N. Sosa samantalang ang pitong korporasyon ay ang Taoyuan Textile Manufacturing Corp., Primekit MFG. Corp., Spinmaster Textile Manufacturing Corp., Bicol Apparel Corp., Nature’s Best Agri Foods Corp., Amhran Trading Corp., at Innovative Technology & Environmental Solution.…
Read MoreVELASCO SIBAK SA MWSS
(NI BETH JULIAN) PINALITAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Reynaldo Velasco. Huwebes ng gabi nang i-anunsyo ito ng Pangulo sa isinagawang thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City. Sa talumpati ng Pangulo, inihayag nito na si Retired Army General Ricardo Morales, tubong Davao, na ang mamumuno sa MWSS. Ang pagsibak ng Pangulo kay Velasco at pagkakatalaga naman nito kay Morales ay matapos ang naganap na krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal nitong nakalipas na Marso…
Read MoreDND: OPLAN SODOMA VS DUTERTE HUWAG AGAD PANIWALAAN
(NI JESSE KABEL) INIHAYAG ng Department of National Defense na huwag basta-basta maniniwala sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’, dahil sa sirang kredibilidad nito. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hayaan siyang patunayan ang kanyang mga sinasabi higit ang ibinunyag na Oplan Sodoma kung saan binabalak patalsikin sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte at iluklok si Leni Robredo. Sa press conference ng PNP nitong Huwebes, sinabi ‘Bikoy’ na gusto ni Trillanes umupo bilang Presidente si Robredo bago dumating ang Hunyo 30 para italaga siya na bise-presidente.…
Read MoreIMPORTED NA KARNE NG BABOY BANNED SA PINAS
(NI FROILAN MORELLOS) MAGTATALAGA ang Bureau of Animal Quarantine (BAI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga ‘meat sniffing dogs’ para ma-detect ang mga in-coming passengers na may dalang fresh animal meat sa bansa. Sinabi ni BAI Director, Dr. Ronnie Domingo, na layunin sa paglalalgay ng tatlong meat-sniffing canines sa airport ay upang ma-protektahan ang pagkalat ng deadly swine fever na galing sa ibang bansa. Ayon pa kay Domingo, ang mga asong ito ay well-trained para mabatid kung may manakapagpuslit ng mga karne na bitbit ng pasahero at makumpiska…
Read MoreDEPED: SILID-ARALAN NG HIGIT 27-M ESTUDYANTE SAPAT
(NI KEVIN COLLANTES) MAY sapat na silid-aralan na magagamit ang may 27.8 milyong estudyante sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng mga ito para sa School Year 2019-2020 sa Hunyo 3. Ito ang tiniyak ni Education Undersecretary Alain Pascua. Ayon kay Pascua, may 12,752 bagong silid-aralan silang nakahanda para sa pagbubukas ng klase, na maaari nang magamit ng mga mag-aaral. Bukod pa rito, mayroon pa rin aniyang panibagong 66,050 classrooms na under construction at inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong ito. Hinihintay na rin aniya nila ang turnover ng may 50,000 silid-aralan mula sa…
Read More