(NI JOSEPH BONIFACIO) SIMULA sa susunod na season ng Maharlika Pilipinas Baskeball League (MPBL), papayagan na ang pagsalang ng hanggang dalawang Fil-foreign players ang bawat koponan. Isa lamang ito sa dagdag na pagbabago sa panibagong season na magsisimula sa Hunyo 12, na inaprubahan ni Sen. Manny Pacquiao, founder ng MPBL at ng mga team owners. Ito ay upang higit pang mapalakas ang lineup ng bawat koponan. Pero, hindi puwedeng pagsabaying ipasok sa laro ang dalawang Fil-foreign players, isa-isa lang, ayon kay Commissioner Kenneth Duremdes. “Only one Fil-foreign player at a…
Read MoreMonth: May 2019
PROKLAMASYON SA MGA SENADOR, PARTYLIST INIHAHANDA NA
(NI FRANCIS SORIANO) GAGAWIN sa loob ng linggong ito ng Comission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong party-list groups at senatorial candidates sa 2019 midterm elections. Ayon kay Director Frances Arabe, Comelec Information and Education Department (Comelec-IED), nagdesisyon ang Comelec en banc na hintayin na umabot sa 100 percent ang transmitted na COCs bago i-proklama ang mga nanalong kandidato habang hinihintay pang pumasok ang lahat ng natitirang certificate of canvass (COCs) mula sa iba’t ibang lugar gaya ng US, Japan, Saudi Arabia, Isabela, at Zamboanga del Sur, dahil na-corrupt…
Read More29 REBELDE SA MINDORO NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO
(NI CYRILL QUILO) CAMP Capinpin,Tanay,Rizal- Umaabot sa 29 rebelde ang boluntaryong sumuko sa mga sundalo at pulis. Sa pinagsanib na pwersa ng 4th Infantry Battalion,203rd Brigade at San Jose Police sa Occidental Mindoro ay nahikayat na magbalik-loob sa gobyerno ang mga taong sumusuporta sa mga makakaliwang grupo o CPP-NPA. Sa 29 sumukong NPA, 18 dito ay Mangyan, Buhid Tribe, mga miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) at Milisyang Bayan (MB) na nagsisilbing espiya,tagabigay ng pagkain ,taga kolekta ng buwis at recruiter ng mga NPA, ayon kay Col.Marcelino V.…
Read MoreBOC-EPU AALALAY SA RRMU
Para sa masusing pagsusuri ng mga pumapasok na kargamento (Ni Jomar Operario) Upang masigurong dadaan sa masusing pagsusuri ang mga pumapasok na kargamento at matiyak na walang makakalusot na kontrabando ay itinalaga ang Entry Processing Units (EPUs) sa lahat ng Bureau of Customs (BOC) collection districts bilang Regional Risk Management Units (RRMUs). Ang RRMUs kasama ng kanilang mga tauhan at ari-arian ay pansamantalang isinama bilang units sa ilalim ng BOC’s Risk Management Office (RMO) habang nakabinbin pa ang isasagawang reorganization ng ahensya. Sa CMO 23-2019, nakasaad na ang designasyon o…
Read MoreKAMPANYA VS ILLEGAL DRUGS NG BOC-SAN FERNANDO PINALAKAS
(Ni BOY ANACTA) Pinalakas pa ng Bureau of Customs (BOC) San Fernando, La Union ang kanilang kampanya laban sa pagpasok ng ipinagbabawal na ilegal na droga sa kanilang puwerto. Sa pamamagitan na rin ito ng pakikipagtulungan ng pamunuan nito sa pangunguna ni Atty. Ruby Claudia Alameda sa Region 1 Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa tuluyang pagsugpo ng mga tiwaling tao na nagnanais na magpasok ng ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng Port of San Fernando. Malinaw sa RA No. 9165 na ang PDEA ang…
Read MoreBOC-DAVAO HANDA NA SA SAKUNA
(Ni JO CALIM) PINAGHAHANDAAN na rin ng Bureau of Customs-Davao ang posibleng sakunang tatama sa lungsod. Ito’y matapos na makiisa na rin sila sa isinagawang Seminar kaugnay sa ‘Mainstreaming Disaster Risk Reduction Management’ na magbibigay ng dagdag na kaalaman ukol sa paghahanda sa sandaling dumating ang sakuna sa kanilang lugar. Isinagawa ang Davao City’s first full-scale earthquake exercise noong nakaraang Mayo 16, 2019 sa pakikipag-ugnayan na rin sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DCDRRMO). Layunin nitong palakasin ang disaster preparedness sa mga Davaoeños at pakikipag-ugnayan sa …
Read MoreMICP PERSONNEL ISINAILALIM SA PAGSASANAY
Bahagi ng paghahanda sa implementasyon ng ASEAN e-CO (Ni JOEL O. AMONGO) Sumailalim sa pagsasanay ang mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP) bilang paghahanda sa implementasyon ng ASEAN electronic-Certificate of Origin (e-CO). Kaalinsunod na rin ito ng inilabas na Customs Memorandum Order 15-2019 ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na nagtatakda ng mga alituntunin ukol sa operational procedures ukol sa pagpapatupad ng e-CO. Proyekto ito ng mga kasaping bansa sa Asya na kung sandaling maipapatupad na ito ay pinapayagan ang ASEAN countries na magiging mabilis at tama ang pagkakaloob…
Read MorePAGBABAGONG-BIHIS NA INAASAM-ASAM
Nakakatuwang marinig na sa pagkapanalo ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang bagong alkalde ng Maynila ay nagkaroon ng pag-asa ang mga Manileño. Hindi kasi maitatanggi ang mga hindi kanais-nais na nararanasan ng mga lokal sa naturang lungsod na ang iba sa pangunahin nilang problema ay ang mga basura, lagay ng trapiko at pagbaha. Sa isang panayam sa bagong halal na alkalde ay tinatarget nito na sasailalim sa pagiging “bagong-bihis” ang Maynila. Kasama sa pagbabagong ito ay ang buhayin ang Arroceros Park. Aniya ay sisikapin niya at ng kanyang pamunuan na…
Read MorePAGBABAGO, SIGAW NG MGA FILIPINO
Hindi pa man opisyal na naidedeklara ang pagtatapos ng bilangan para sa katatapos lamang na botohan, malinaw na agad na ang sigaw pa rin at hangad ng mga Filipino ay pagbabago. Bunsod nito, maraming maituturing na “plot twist” sa resulta ng eleksyon sa ilang mga lugar sa bansa. Maraming political dynasty ang nagwakas. Maraming bagong personalidad ang nabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanilang sarili sa larangan ng politika. Natapos na ang 50 taong pamumuno ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada bunsod ng pagkatalo n’ya kay Isko Domagoso Moreno na isa…
Read More