2 FIL-FOREIGN PLAYERS BAWAT TEAM OK SA MPBL

kenneth12

(NI JOSEPH BONIFACIO)

SIMULA sa susunod na season ng Maharlika Pilipinas Baskeball League (MPBL), papayagan na ang pagsalang ng hanggang dalawang Fil-foreign players ang bawat koponan.

Isa lamang ito sa dagdag na pagbabago sa panibagong season na magsisimula sa Hunyo 12, na inaprubahan ni Sen. Manny Pacquiao, founder ng MPBL at ng mga team owners.

Ito ay upang higit pang mapalakas ang lineup ng bawat koponan.

Pero, hindi puwedeng pagsabaying ipasok sa laro ang dalawang Fil-foreign players, isa-isa lang, ayon kay Commissioner Kenneth Duremdes.

“Only one Fil-foreign player at a time,” ani Duremdes.

Sa nasabing team owners’ meeting noong Huwebes ng hapon, inihayag din ang Mindoro bilang pinakabagong expansion ng 20-team MBPL tourney.

Dagdag ngayon ang Mindoro sa ilan pang expansion teams na nakatakdang sumali sa susunod na season tulad ng Bicol at Nueva Ecija, habang pinag-uusapan pa ang posibleng pagsali rin ng Iloilo.

Papayagan na rin ng MPBL ang kada koponan na magkaroon ng hanggang pitong ex-pro players, pero hanggang lima lang ang maaaring sumalang sa bawat laro.

Dahil dito, nasa 22 na ang inaasahang roster ng kada koponan, kung saan 15 lang ang maaring mailagay sa active list.

Samantala, nakakalendaryo na rin ang unang MPBL overseas game sa Dubai sa Setyembre 27, kung saan magsasagupa ang inaugural champion Batangas City at ang Datu Cup titlist San Juan.

Kinumpirma ni Duremdes ang balita sa pagsasabing nakatakdang lumipad sa Dubai ang MPBL officials matapos ang season opener sa Hunyo.

“Pinayagan na kami ni Senator to fly in on June 13 kasi nga yung organizer, siya rin yung organizer ng concert ni Arnel Pineda,” lahad ni Duremdes.

172

Related posts

Leave a Comment