HINDI BASURAHAN ANG PILIPINAS

TINGNAN NATIN

HABANG tinitipa natin ang kolum na ito, kandarapa pa ang mga kinatawan ng sari-saring media companies sa pag-cover sa pagbabalik sa Canada ng mga container vans ng basura na nakatengga sa Subic Bay International Terminal, Corp. (SBITC) sa Subic Bay Freeport. Tingnan Natin: noon pang 2013-2014 dumating ang may 103 container vans ng basura mula sa Canada pero ngayon lang maibabalik ang mga ito matapos ang masidhi, maingay at determinadong pagtutol ng maraming sektor laban sa paggawang basurahan ang Pilipinas ng ibang bansa. Hazardous at toxic umano ang naturang basura…

Read More

BALITANG P1.2-B KINITA NI MAINE, PEKE –MANAGER

(NI ROMMEL GONZALES) HAPPY si Rams David na balik-Pilipinas mula sa Japan ang alaga niyang si Taki Saito na isa sa mga cast members ng Banal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na palabas sa mga sinehan ngayon. Samantala, nilinaw ni Rams ang fake news na mahigit isang bilyong piso na (P1.2B) ang kabuuang kinita ng alaga niyang si Maine Mendoza sa showbiz! “Wala namang makapaglabas ng figures, nobody can come up with the figures. Not even BIR. Ang ginagawa ng BIR nagra-rank sila, pero they will not…

Read More

MMDA SINABON SA NAGKALAT NA BASURA

mmda basura12

(NI BERNARD TAGUINOD) SINABON ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa kabila ng napakalaking pondo ng mga ito ay nagkalat pa rin ang mga basura sa Metro Manila. Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo, hindi naipatutupad ng MMDA ang Republic Act 9003 o  Ecological Solid Waste Management Act of 2000 kaya kahit saang lugar ay mayroong makikitang basura. Sa pagtatanong ng mga mambabatas, sinabi ni Engineer Emilio Llavor ng  MMDA Planning and Design Division, na noong…

Read More

BAHAGI NG P135-M DONASYON SA ‘YOLANDA’ NAKATENGGA

yolanda12

(NI JEDI PIA REYES) MAKARAAN ang anim na taon nang humagupit ang mapaminsalang super typhoon Yolanda, hindi pa rin nagagamit ng Office of Civil Defense (OCD) ang kabuuan ng P135.39 milyong donasyon para sa mga biktima ng trahedya. Ayon sa Commission on Audit (COA), nasa mahigit P40 milyon pa ang naiwan sa pondo matapos na maibigay na bilang tulong sa mga biktima ang P94.4 milyon ng donasyon. Ang nasabing donasyon ay natanggap ng OCD mula sa mga lokal at dayuhang indibidwal at organisasyon at hindi mula sa Department of Budget…

Read More

84 KILO IMPORTED NA KARNE NASABAT SA NAIA

customs12

(NI ROSE PULGAR) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ng Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang may 84 kilong imported na karne sa isang papasok na pasahero mula sa Japan sa NAIA  Terminal 3 sa Pasay City, nitong Huwebes. Ayon kay NAIA Customs Collector Mimil Talusan, bigo ang pasahero na maiprisinta ang clearance at certificate mula sa Bureau of Animal Industry dahilan upang kumpiskahin ang mga ito. Nauna nang nagbabala ang Bureau of Animal Industry sa mga pasahero na iwasan ang magdala ng karne mula sa ibang bansa…

Read More

KARAHASAN MATAPOS ANG ELEKSIYON PUMALO SA 51 KASO

comelec pnp12

(NI AMIHAN SABILLO ) PUMALO sa 51 post election violent incidents mula May 14 hanggang May 29 ang naitala ng Philippine National Police (PNP) National Election Monitoring and Action Center  (NEMAC). Ayon kay  PNP spokesperson Police Col Bernard Banac, kasabay ng pagkondena sa mga insidente ng karahasan na ang kalimitang target ay mga local government officials tulad ng mga barangay captain at SK officials. Sa mga insidenteng nabanggit, walo ang patay, 14 ang sugatan at 29 ang walang pinsala. Sa mga kasong ito 21 ang ‘solved’, 8 ang “cleared” at…

Read More

MMDA SINOPLA SA KONGRESO VS PROBLEMA SA TRAFFIC

mmda

(NI BERNARD TAGUINOD) TILA isinampal ni Albay Rep. Joey Salceda sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanyang dalawang panukalang batas na reresolba sa problema sa trapiko sa Metro Manila. Ibinalandra ni Salceda kay MMDA traffic czar Bong Nebrija ang kanyang House Bill 3712 at HB 9205 matapos itong hamunin ng opisyal na gumawa ng batas na tatarget sa mga pribadong sasakyan, matapos maghain ng petisyon ang kongresista sa Korte Suprema para ipatigil ang plano na alisin ang mga provincial bus terminals sa kahabaan ng Edsa. “Even without MMDA challenge…

Read More

BASURA NG CANADA: MAY MANANAGOT — GUEVARRA

guevarra12

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ni Justice Secretary Menardo Guevarra, OIC ng Philippine government, na hindi makalulusot sa batas ang nasa likod ng pagkakapasok at pagtambak sa bansa ng mga basura ng Canada. Sinabi ni Guevarra na hindi dahilan na ang pagpapabalik sa Canada ng basura  para hindi kasuhan at papanagutin ang mga importer. Sa ngayon, sinabi ni Guevarra na isa sa mga importer ay subject na ng manhunt operation ng mga awtoridad. Samantala, tatlong kompanya ng barko na kinontrata ng Canadian government ang naghakot ng mga basurang itinambak sa Pilipinas.…

Read More

KOLEKSIYON SA SIN TAX DIRETSO SA HEALTH CARE LAW

yosi12

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY RAFAEL TABOY) IPAPANUKALA ng isang senador na ilagay ang lahat ng koleksyong makukuha sa isinusulong na bagong sin tax bill sa universal healthcare (UHC) program ng pamahalaan. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nito sa kanyang mga kabaro na ilagay ang makokolektang dagdag-buwis sa tobacco products sa pagpapagamot ng mahihirap. “I would propose that the increases in the excise tax on tobacco as a result of the sin tax that we are working on now should be devoted solely to the universal health program…

Read More