(NI FROILAN MORELLOS) IKINASA ang ikalawang search and rescue operation ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa naglahong Orient Aviation Beech craft 55 (BE55) na nawala noong May 17 nang mag takeoff sa San Jose Mindoro Airport. Ito ay bilang pagsunod sa kahilingan ni Dr. Abdullah Al Bussairy , Ambassador ng Saudi Arabai upang makita ang katawan ng Saudi Arabian student na si Abdullah Khalid Al Sharif na kasama o sakay sa bumagsak na training plane. Kasama sa search and rescue group na binuo ng CAAP ang…
Read MoreMonth: May 2019
BAGONG KAGAMITAN SA TAG-ULAN IBINIDA NG COAST GUARD
(NI DAHLIA S. ANIN) PUSPUSAN na ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno sa tag-ulan sa bansa at sa iba pang sakuna. Kanina ay pinasinayaan sa Philippine Coast Guard Headquarters sa Maynila ang ilang bagong kagamitan tulad ng 20 bagong rescue boats na ipakakalat sa mga bahaing lugar sa bansa. Tinatawag nila itong Oplan Kahandaan Typhoon Season. Ang mga bagong rescue boats ay mga aluminum boats na may bilis na 20 knots. Karamihan sa mga unit na ito ay ipadadala sa Visayas at Mindanao. May maiiwan sa kanilang headquarters at…
Read MoreBASTOS SA SOCMED YARI SA ANTI-BASTOS LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong higit na tatamaan sa Anti-Bastos Law na naging batas matapos “maglapse into law”, ito ang mga bastos sa social media na malimit na nangyayari ngayon. Ito ang napag-alaman sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at babantayan umano ng mga ito ang implementasyon ng nasabing batas upang maparusahan ang mga bastos, hindi lamang sa mga kalsada kundi lalo na sa social media. Base sa nasabing batas, sinumang mambabastos o gagawa ng sexual harassment sa social media ay may multang P100,000 at makukulong ng dalawang…
Read MoreDQ VS KAPATID NI REP. LUCY TORRES IBINASURA
(NI HARVERY PEREZ) IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec), magjng ang petition for disqualification na isinampa laban sa kapatid ni Leyte 4th District Representative Lucy Marie Torres-Gomez na si Carmen Jean Torres Rama. Nabatid na si Rama ay iprinoklama na ng Comelec matapos manguna sa ginanap na Leyte provincial board member race sa botong 62,510 sa ika-apat na distrito ng Leyte. Ang resolusyon sa 11-pahinang order ng Comelec Second Division ay ginawa noong Mayo 23 ngunit Mayo 28 lamang inilabas sa publiko. Nabatid na una nang naghain ng petisyon sa Comelec…
Read MorePALAY BAGSAK-PRESYO NA SA P9.50/KILO
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T dalawang buwan pa lamang ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, nalugmok na nang tuluyan ang mga magsasaka ng palay dahil binibili na lamang ngayon ng P9.50 kada kilo ang kanilang aning palay. Ito ang dahilan kaya inihain ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang Resolution of Both House (RBH) No. 18 upang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin muna ang implementasyon ng nasabing batas. “Alam naman siguro ng ating kapwa mambabatas na matindi na ang tama (ng batas) sa lokal na industriya…
Read MoreBILANG NG ENROLLEES TUMAAS
(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na kampanya ng Department of Education (DepEd) ay lalong tumaas ang bilang ng mga enrollees sa lahat ng antas ngayong school year 2019-2020. Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, mayroong 27,817,737 ang bilang ng mga enrollees ngayong taon na mas mataas kumpara noong nakaraang taon ng 2.95%. Bunsod nito, umaasa ang DepEd na sa mga susunod na taon ay bababa pa ang bilang ng mga out-of-school youth sa buong bansa. Dagdag pa nito, naging matagumpay ang kanilang kampanya na early enrollment campaign para hikayatin…
Read MoreDRIVER SA PASSENGER SEAT TANGGAL-LISENSIYA; HAHARAP SA DOTr
(NI KIKO CUETO) TATANGGALAN ng lisensya ang lalaking nag-viral sa social media dahil sa pagmamaneho sa kanyang sasakyan habang nasa passenger seat. In-upload ni Miko Lopez ang video sa social media, subalit bago pa niya ito mabura, nai-save na rin ito ng Department of Transportation (DOTr). “His license will be revoked, and he will also be disqualified from applying for a driver’s license again in the future,” anila sa kanilang Facebook page. Sa video, makikitang nagmamaneho si Lopez ng kotse nang hindi nakaupo sa upuan ng driver kundi sa tabi…
Read More‘SPEAKERSHIP LABANAN DIN NG MGA TYCOON?’
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang labanan ng mga kongresista ang Speakership kundi labanan din umano ito ng mga tycoons sa bansa. Ito ang paniniwala ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kaya mayroong mga tycoon ang nakakaladkad ang pangalan sa labanan sa Speakership kung saan mayroon umano silang kanya-kanyang manok. “Definitely,” ani Tinio nang tanungin sa press conference kung “proxy war” din mga tycoons ang Speakership race sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil ilan sa mga ito ay makakaladkad ang pangalan at mayroong kanya-kanyang sinusuportahang partido. “For example si (Marinduque)…
Read MoreEXPOŚE NI SEN. LACSON: BOC AT PDEA SWAK SA SHABU COVER-UP
(Photo by DANNY BACOLOD) Tahasang isinisisi ni Senador Panfilo Lacson sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang patuloy na pagkalat ng droga sa bansa. Sa kanyang privilege speech sa Senado, walang patumanggang tinukoy ni Lacson ang dalawang ahensya ng pamahalaan na umano’y sangkot sa shabu cover-up. “Ang nakaka-stress pa, Mr. President, makailang ulit nang pinalitan ang Commissioner ng Customs pero hindi pa rin masawata ang pagpasok ng iligal na droga. Imbes na magpataasan sila ng koleksyon ng buwis, tila naging padamihan sila ng mga drogang…
Read More