(NI JEDI PIA REYES) HINDI muna pinahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P50 na cancellation at no-show fees ng Transport Network Companies (TNCs), tulad ng Grab Philippines. Inilabas ng LTFRB ang desisyon kasunod ng idinaos na dayalogo ng ahensya at ng mga kinatawan ng iba’t ibang TNCs. Ang cancellation at no-show fees ay dagdag-singil sa mga pasahero na magkakansela ng bookings, limang minuto matapos na makapag-book sa isang drayber; at mga pasahero na hindi sisipot sa pick-up point sa loob ng limang minuto makaraang dumating ang…
Read MoreMonth: May 2019
300-K VOLUNTEERS IKAKALAT NG PPCRV SA ELEKSIYON
(NI DAHLIA S. ANIN) SA darating na eleksiyon sa Mayo 13, nakahanda na ang 300,000 volunteers mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), isang election watchdog. Ang PPCRV ang tatanggap ng ikaapat na kopya ng election returns at magsasagawa ng unofficial parallel na pagbibilang ng boto katulad ng mga ginagawa noong mga nakalipas na eleksiyon. Ayon kay PPCRV chair Myla Villanueva, bagama’t kalahati lamang ang bilang ng kanilang volunteers kaysa noong 2016 elections ay tiwala silang makakaya nila ang kanilang trabaho lalo pa’t noong mga nakaraan nilang pagpupulong,…
Read MoreSOTTO DUDA KAY ‘BIKOY’; PNOY, MAR IDINAWIT DIN
(NI NOEL ABUEL) IBINULGAR ni Senate President Vicente Sotto III na minsan nang idinawit ni Peter Joemel Advincula na magpakilalang “Ang Totoong Narcolist” video narrator ‘Bikoy’ sina dating pangulong Benigno Aquino III, dating Interior and Local Government secretary Mar Roxas at Senador Leila de Lima, sa ipinagbabawal na gamot. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, ipinakita ni Sotto sa pamamagitan ng powerpoint presentation, na taong 2016 nang lumapit sa kanya si Advincula at nagsumite ng sinumpaang testimonya gayundin ng 19 bank accounts. Ngunit tinanggihan umano nito ang nais…
Read MoreNUMBER CODING SUSPENDIDO SA MAY 10, 14
(NI ROSE PULGAR) SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga provincial buses sa Biyernes (Mayo 10) at Martes (Mayo 14) upang bigyan daan ang mga commuters na uuwi ng kanilang mga probinsiya para bumoto. Sa abiso ng MMDA, ang suspensiyon ay para tiyakin na may sapat na pampublikong transportasyon ang mga mananakay patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila. Ayon kay MMDA Traffic Czar Bong Nebrija, sinuspinde ang number coding upang mapadali ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa…
Read MoreP450-M PORT PROJECT SA PAGASA ISLAND NAGLAHO?
(NI BERNARD TAGUINOD) HINAHANAP ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Transportation (DOTr) ang P450 million na inilaan ng Kongreso noong 2017 para sa pagpapatayo ng seaport sa Pagasa Island. Itinaon ni House deputy minority leader Lito Atienza ang pagtatanong sa ginta ng pagdami umano ng Chinese maritime militia vessels sa paligid ng Pagasa Island sa West Philippine Sea. Ayon sa mambabatas dalawang taon na ang nakararaan simula nang aprubahan ng Kongreso at isama sa 2017 General Appropriation Act (GAA) ang nasabing pondo subalit walang impormasyon kung nasimulan na…
Read MoreIBP TINABLA SI ‘BIKOY’
(NI KEVIN COLLANTES) WALANG maaasahang free legal assistance si Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang ‘Bikoy’ at umano’y nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video serye, mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP). Ito ay matapos ibasura ng IBP ang kahilingan ni Bikoy, sa pamamagitan ng kanilang National Center for Legal Aid (NCLA), matapos ang mahabang diskusyon sa isyu. Sinabi nito na hindi kwalipikado si Advincula sa free legal assitance base na rin sa kanilang NCLA Manual of Operations. “The Integrated Bar of the Philippines, through the National Center for…
Read MoreKAHIT PULIS PA; ARMAS OFF-LIMITS SA POLLING PRECINCTS
(NI NICK ECHEVARRIA) BAWAL magdala ng baril sa loob ng mga polling precinct ang mga bobotong pulis sa Lunes kahit nakasuot ng uniporme ang mga ito. Kahit umano ang mga pulis na sinanay ng Commission on Elections (Comelec) bilang Board of Elections Inspector kapalit sakaling may mag-absent na mga guro, ay bawal ding magdala ng armas. Ito ang mahigpit na babala ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde na tanging ang mga naka-duty lamang na mga pulis na magbabantay sa mga nasabing polling precinct ang may pahintulot na magdala ng…
Read MoreAFP NAKA-‘ELECTION MODE’ NA PARA SA LUNES
(NI FRANCIS SORIANO) MULA sa combat mode ay nasa election mode na ngayon ang atensiyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan magiging prayoridad muna ang pag-secure sa halalan at second priority pansamantala ang internal security operations. Ayon kay Chief of Staff General Benjamin Madrigal, malinaw sa kanilang mandato na magbibigay ang mga ito ng perimeter security higit sa panahon ng eleksiyon. Pero hindi aniya ito nangangahulugan na ititigil ng AFP ang mga operasyon laban sa New People’s Army (NPA), mga local terrorist groups at private armed groups…
Read MorePING: WALA NANG SAYSAY PAKINGGAN SI ‘BIKOY’
WALA na umanong saysay pakinggan ang sasabihin ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, dahil sa kawalan nito ng kredibilidad. Gayunman, hahayaan umano ni Senador Panfilo Lacson na si Senate President Vicente Sotto III na ang maghubad ng maskara at ipakita ang totoong pagkatao ni Advincula na ilang taon ding nakulong sa New Bilibid Prisons. Sinabi ni Lacson na si “Ang Totoong Narcolist” video narrator Bikoy ay lumapit na umano kay Sotto noong 2016. Ayon pa kay Lacson na matapos ang ihahayag ni Sotto ay malalaman ng publiko kung bakit hindi…
Read More