(NI REY PUMALOY) TINATAPOS pa lang ni Heart Evangelista ang latest painting niya ay pinutakti na ng positive comments ang Kapuso star. Makikita sa posting ni Heart ang painting niya na pawang imahe ng mga mukha ng babae. Sabi ni Heart sa kanyang bagong masterpiece, inabot din nang matagal ang pagtatapos niya sa painting kaya excited na siyang tapusin at ipa-frame ito. Sa mga comments, hindi lang daw maganda si Heart kundi napaka-talented nito. Sey nga ng kaibigan niyang si Lovi Poe, tigilan na raw ang pagiging “perfect” ng kanyang…
Read MoreMonth: August 2019
PAO CHIEF KAY ATTY. GARRIDO: SINO ANG BOSS MO?
SUPORTADO ng buong regional heads, ranking officials at empleyado ng Public Attorney’s Office kasama ang mga pamilya ng mga nangamatay na bata dahil sa Dengvaxia vaccines, tahasang nagtatanong si PAO chief Persida Rueda-Acosta sa kanyang accuser-lawyer Wilfredo Garrido Jr. Sino ang boss mo? Sa isang press briefing kasama si forensics chief Dr. Erwin Erfe na isa ring inaakusahan ng korapsyon na kanilang parehong tinawanan lang at itinanggi, iginiit ni Acosta na may mga taong nagpapagalaw kay Garrido na nagsumite sa Ombudsman ng isang unsigned manifesto raw ng PAO lawyers na…
Read MorePAGLOBO NG BILANG NG DISTRESSED PINAY SA UAE, DAPAT IMBESTIGAHAN NA NG SENADO
(Unang bahagi) Sa ulat na ipinalabas ng TV Patrol noong Agosto 17 ay sinasabi na halos 450 Pinay na ang nasa loob ng Bahay Kalinga sa Philippine Embassy sa United Arab Emirates (UAE). Diumano ay nagsagawa pa ng noice barrage o pag-iingay ang mga ito bilang protesta sa mabagal na pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas. Matagal nang mayroong deployment ban para sa mga domestic helper sa UAE dahil sa hindi pagsang-ayon ng gobyerno ng UAE sa mga patakaran na nakasaad sa kontrata sa panig ng Philippine Recruitment Agencies. Kung kaya,…
Read MoreSOGIE BILL MALABONG MAIPASA SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) MALABO nang maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill na isinusulong sa Senado. Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mahihirapang maisulong sa Senado ang anti-discrimination bill na pabor sa lesbian, gays, bisexual, transgender and queer (LGBTQ+) community. “It has no chance of passing in the Senate, “IF” it transgresses on academic freedom, religious freedom and women’s rights,” sa testimonya ni Sotto. “Anti-discrimination bill on person’s pwede, pero focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious and academic freedom impeded,…
Read MorePAGLAYA NI SANCHEZ SA LOOB NG 2 BUWAN, ITINANGGI
(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ) MARIING pinabulaanan ngayong Huwebes ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Nicanor Faeldon ang napaulat na makalalaya na sa loob ng dalawang buwan si dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan ito nakakulong sa Muntinlupa City. Sa isang pulong balitaan na ginanap sa loob ng NBP, sinabi ni Faeldon na kailangan pang i-review ang kanyang good conduct and time allowance dahil nasasangkot din ang dating alkalde sa loob ng bilibid sa illegal na droga at mga kontrabando sa kanyang selda…
Read MoreKONGRESO INGINUSO NI PANELO SA PAGLAYA NI SANCHEZ
(NI BETH JULIAN) SA harap ng kaliwa’t kanang batikos sa inaasahang paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez, ibinato ng Malacanang sa Kongreso ang pagpapaliwanag ng nilalaman ng Republic Act 10592. Ang RA 10592 ay ang nakikitang daan ngayon para makalaya si Sanchez. Ayon kay Panelo, sa Kongreso nalikha ang naturang batas kaya’t anumang concern tungkol sa revised penal code ay dapat na mai-address sa mga mambabatas. Iniulat na si Sanchez na convicted rapist at murderer ay kabilang sa 11,000 preso na binigyan ng…
Read MoreCARDEMA PINAKAKASUHAN NG GRAFT
(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS ibunyag ang panunuhol, dapat na kasuhan ng graft si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema. Ito ang iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung saan malinaw na panunuhol ang ginawa ni Cardema nang amininin nito na pumayag sya sa sinasabing pagbibigay ng P2 milyon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon kapalit ng pabor na accreditation sa Duterte Youth Partylist. It is a clear admission against his own interest, and, these corrupt acts were made while he was still the NYC chair. He should be…
Read MoreEX-DFA SEC YASAY INARESTO
(NI JULIE DUIGAN) KALABOSO sa Manila Police District (MPD) si dating Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr. matapos arestuhin sa kanyang tahanan sa Makati City, Huwebes ng hapon. Nabatid sa ulat ng MPD-Warrant and Subpoena Section, nagtungo ang kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang tanggapan para humingi ng police assistance sa pagsisilbi ng warrant of arrest na inilabas ng Manila court laban kay Yasay. Bandang alas-3:00 ng hapon , nang arestuhin si Yasay sa Unit 4905 Milano Residences, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City, ng mga…
Read MoreBENEPISYO SA BRGY OFFICIALS BUBUHOS
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng value added tax (VAT) exemption ang lahat ng barangay officials sa buong bansa bukod sa mabibigyan ang mga ito ng discount sa hotel accommodation at maging sa pasahe. Ito ang nakapaloob sa House Bill 2089 na iniakda ni House Deputy Speaker Raneo Abu, ng Batangas City bilang pagkilala sa serbisyo ng lahat ng mga opisyales sa mga barangay. Nangangahulugan na hindi lamang ang mga barangay captain ang makikinabang sa panukalang ito kapag naging batas kundi ang mga barangay council members, barangay tanod at iba pang opisyales…
Read More